Prologue

5.4K 105 11
                                    

 ----------------- 

Ako si Jeselle Bautista, you can call me Ise, Selle or anything you want. Huwag lang dukha, hampas-lupa o ang malala ay ang tawagin niyo akong kutong lupa.

Isang pinakagandang pangyayari sa buhay ng isang tao ay ang maramdaman niya ang magmahal at mahalin. May mga taong nagmamahal, nasaktan at 'yung hindi pa nararanasan 'yung magkaroon ng special someone. Pero kahit ganoon pa man ay huwag na huwag niyong isipin na panget kayo at walang nagmamahal sa inyo.

Always remember if you are willing to wait, God will put your heart to the one who deserve it. Walang makakapagsabi kung kailan darating ang taong nararapat sa iyo. Hindi ang iyong mga kaibigan, magulang, professors o kahit sino pa man. Si God lang.

May mga bagay kasing mas maganda na hintayin because at the right time, you'll realize that it’s worth the wait. Pero paano mo ba talaga masasabi na nagmamahal, minahal at nagmahal ka?

Sabi nila, nagmahal, nagmamahal at minahal ka kung naging masaya ka at the first place.

Pero 'yun lang ba talaga ang basehan?

Sa buhay ng tao darating talaga 'yung punto na kung saan akala mo alam mo na ang lahat ng sagot sa mga tanong na nasa isip mo. Ang hindi mo alam akala lang pala ang lahat dahil sa isang iglap ay puwedeng magbago ang lahat.

May mga love story na nagtatapos ng masaya o 'yung sinasabing happily ever after. Pero mayroon din naman sa simula lang o 'yun bang hanggang sa once upon a time na lamang ang love story nila. Pero sino ba ang makakapagsabi kung hanggang saan 'yung love story mo? Hahayaan mo na lang ba matapos ito sa simula pa lamang? O gagawa ka ng paraan para makamit ang masayang happily ever after?

Ang sarap ng feeling ng may mahal at minamahal pero ito rin ay pinakamasakit kung hindi ka marunong tumaya at lumaban. Sa panahon at henerasyon natin ngayon kung saan ako, ikaw at siya nabibilang. Mahirap isipin kung siya na ba talaga o may mas better pang nakahanda sa hinaharap para sa atin. Itong taong minahal natin ay isang parte lang ba ng leksyon sa buhay natin o siya na ang reward na pinakahihintay natin? Ang hirap talaga kapag ang sagot sa katanungan mo ay isa ring katanungan noh.

Ang sakit isipin na sa pag-ibig kahit gaano mo pa ito alagaan at pahalagahan hindi mo talaga maiiwasan ang masaktan.

Pain is an inevitable part when you truly love.

Nasaktan ako't iniwan pero walang mangyayari kung hahayaan ko lang ang sarili kong masaktan. Kaya para sa mga in love, loved and unloved, go fighting lang.

Ang istoryang ito ay papangitiin kayo pero hindi ko rin masasabi na magiging masaya ang storyang ito hanggang sa huli.

 At first you will smile, and then you will cry - don't say you haven't warned.

The Promise (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon