Chapter 8

1.3K 32 2
                                    

--------------

JESELLE’s POV

Tinipon ko ang lahat ng photo album at litrato na mayroon sa bahay. At ngayon ay inisa-isa ko itong tignan, wondering kung hanggang saan ba ang naaalala ko, at kung anu-ano ba ang hindi. Kinuha ko lahat ng litrato sa lahat ng picture frames at tinipon ko ito, inilapag sa aking kama.

May kumatok sa kwarto habang hawak hawak kong tinitignan ang isang litrato ko at ni Bryan. Nakaitim na toga at magkahawak pa kami ng kamay at yung ngiti ko ay priceless, abot hanggang langit. Alam kong si Mama iyon kaya agad ko itong binuksan.

"Anak, ano ginagawa mo?"

Dahan dahan siyang naglakad patungo sa aking kama kung saan nakakalat ang lahat ng litrato na aking nakuha mula sa mga photo album at picture frames sa bahay.

"Kasi Mama, I'm trying to figure out kung ano ano ba ang mga naaalala ko at kung ano yung hindi."

I motioned towards beside my bed where mom is standing and looking at a picture she picked up from my bed.

"I remember this," she mumbled.

Tinignan ko ang litrato na hawak hawak niya. It was me and Bryan na naka-itim na toga.

"I was the one who took this picture."

Tinignan ko siya at hindi ako makapaniwala sa aking narinig, habang tinitignan niya ang litrato at inaaalala ang lahat na hindi ko man lang maaalala kahit na tungkol ito sa akin.

"Dati niyo pa po bang kilala si Bryan, ma?"

"Nakilala ko lang siya noong palagi mo siyang kinikuwento sa amin ng daddy mo. And I finally met him noong naging kayo dahil ipinakilala mo si Bryan sa aming dalawa ng daddy mo."

I was paralyzed, my jaw fell off. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil naririnig ko ito sa sarili kong ina o malulungkot ako dahil wala akong maalala ni-isa.

"Pinakilala ko siya sa inyo Ma?" I asked.

Nakita kong tumango si Mama.

"Hindi ko alam. Dahil ang alam ko, hindi ko magagawang magdala ng lalaki sa bahay at ipakilala sa inyo. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko 'yun."

Ngayon ay para akong inaalila ng sarili kong isipan. Para bang dinaya ako ng tadhana. Ngayon ay parang di ko na kilala ang sarili ko. Iba ang sinasabi ng utak ko at hindi ko alam kung iba rin ba ang sinasabi ng puso ko. Sana nagsasalita ang ating mga puso para alam natin ang totoo nitong tinitibok at para hindi tayo dumadating sa punto na kung saan nagiging palaisipan ang lahat, kung mahal mo ba talaga yung tao o mahal mo lang siya dahil masarap ang pakiramdam ng may nagmamahal sayo?

Sa ngayon ay neither of the two. Hindi ko marinig at madama ang sinasabi ng puso ko dahil sa ngayon, isipan ko ang umaalila sa akin at hindi itong puso ko.

"Jeselle," I looked at Mom. "I know Bryan makes you happy and through time napatunayan namin ng daddy mo na mahal na mahal ka talaga niya."

I looked down, put my hand on my chest. Feeling the beating of my heart. I couldn't figure it out. Mahal ko ba si Bryan? Hindi ko alam sagot sa ngayon.

"Anak," pinatong ni Mama ang kanyang kamay sa aking balikat.

"May mga bagay na naaalala ng ating puso na hindi maalala ng ating isipan."

The Promise (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon