Chapter 5

1.2K 36 1
                                    

BRYAN’s POV

Habang ako'y naghihintay sa restaurant after namin magkausap ni Jeselle ay nagring ang phone ko. Nagtataka lang ako dahil bigla na lang namatay ang kabilang linya. Sa isip isip ko ay baka nawalan ng signal ang phone ni Jeselle kaya naputol. I waited for couple of minutes when suddenly.

'Unknown number calling...'

Nagtaka ako kung sino ang tumatawag kaya dali dali ko itong sinagot.

Bago pa ako makapagsalita ay binalot na ako ng kaba at takot. There was something that just suddenly rushed into my viens and slowly creeped into my system.

'Naaksidente si Jeselle. Bumangga ang minamaneho niyang sasakyan,' sabi ng boses sa telepono na sa aking tantya ay si Tita, ang mama ni Jeselle. Pinakinggan ko lang ang boses na halatang taranta at puno ng takot. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

'Hindi po Tita, kani-kanina lang po ay magkausap pa kami. Papunta na po siya.'

I try to force a smile, convincing myself that everything isn’t true and just a mere joke. Hindi ako makapaniwala hanggang sa narinig ko na lang na humahagulgol na sa iyak ang Mama ni Jeselle.

Hindi na ako nagatubili pa at pumunta agad ako sa ospital kung saan dinala si Jeselle.

Nang dumating ako ay nakita ko agad ang parents ni Jeselle sa lobby area.

"Ano na po ang kalagayan ni Jeselle? Is she okay?" pag-aala kong tanong kay Tito at Tita. Bakas pa rin ang luha na dumaloy sa mukha ni Tita.

"Nasa operating room siya sabi ng doctor ay gagawin nila ang lahat," sabi ni Tita.

Wala akong magawa kundi ang maghintay. Ubos na rin ang luha ko kakaiyak. I never cry hard like this before. 

Aksidente ang nangyari at walang dapat sisihin pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang tanga tanga ko kasi pinabayaan ko 'yung fiance ko. I hate myself at di ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa kanya. Ganoon pa man, takot pa rin akong mawala siya.

Naibsan ang bigat ng pakiramdam ko ng makita kong may lumabas na doktor mula sa operating room. Lumapit siya sa direksyon namin at ako naman ay agad na napatayo at lumapit din.

"Sino ang kamag-anak?" tanong ng doctor.

"Ako ang po ang fiance," pagmamalaki ko. Sila Tito't Tita naman ay tahimik lang naghihintay sa sasabihin ng doctor.

"She's okay, her vitals signs are stable pero hindi pa rin natin masasabi ang tunay na kalagayan niya until she woke up, but right now she's in coma."

Hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil ligtas siya o malulungkot dahil walang kasiguraduhan kung magigising pa siya.

-----8-----8-----8----

Ginawa kong araw ang gabi mabantayan lang ang babaeng pinakamamahal ko.

"Please come back to me," pakiusap ko sa kanya habang ako'y nakaupo sa tabi niya at hawak hawak ang kaliwa niyang kamay. I kissed her hand, praying in my head that God would wake her up.

Most of the time ay binabantayan ko siya minsan nga ay di na ako natutulog. Isang araw habang ako'y na sa opisina ay may natanggap akong tawag.

Alam mo kapag mahal mo talaga ang isang tao, if that someone can change your mood in snap of a finger. That phone call really changed my mood. 'Yung tipong bigla ka na lang sasaya dahil sa isang balita. Kaya nagmadali akong pumunta sa ospital.

The Promise (Published under LIB)Where stories live. Discover now