Chapter 6

1.2K 38 0
                                    

-----------------------

JESELLE’s POV

*Kriiiing *Kriiing *Kriiing

Pinatay ko 'yung alarm clock ko na nasa sidetable katabi lang ng kama. Agad akong lumabas at bumaba sa aking kwarto. Walang hilahilamos. Dirediretso akong naglakad sa kusina ng biglang may lumabas na lalaki somewhere on the way.

Nakatalikod siya sa akin.

Kinuha ko 'yung nakarolyong aluminum foil sa may gilid ng sink 'tas hinampas ko 'yung nakatalikod na lalaki.

"Araaay!" sigaw nito. Bigla siya humarap at nakita ko ang kanyang mukha. It was Bryan.

“Sorry,” I apologized at ibinalik ang aluminium foil na aking hawak hawak sa may la mesa kung saan ito nakalagay.

“Sorry talaga hindi ko sinasadya, akala ko kasi magnanakaw,” sabi ko ulit.

            “Ano ginagawa mo dito?" I curiously asked him.

            "I just miss you," malumanay na sabi ni Bryan habang dahan dahang niyang hinawakan ang mukha ko.

 Umiwas ako sa kanyang paghawak because I felt like it was uncomfortable.

"Today is your check-up, so naisipan kong samahan ka."

            "Eh, bakit ang aga mo naman ata? Parang mas excited ka pa ata kaysa sa akin huh."

I motioned toward the sink without waiting for his reaction. I looked at him this time, ngayon ay nakita ko ang kanyang pagtango.

Tumawa siya pero di ganoon ka lakas sapat lang para makita ko ang expression niya. Mom appeared from the door and give both of us a sweet smile.

"Bryan will be joining us at breakfast kaya, ilagay mo na 'to sa la mesa at ng makakain na ang lahat."

I stood frozen ng biglang ibinigay ni mama sa akin ang mga plato. Wala akong nagawa kundi ang kunin ito sa pagkakahawak ni Mama. Sa isip isip ko naman ay hindi naman ata papayag si mama na makasalo namin si Bryan sa hapagkainan kung he’s just a stranger from the past. Pero sa aking nakikita at napapansin ay parang hindi.

            "Anak, manalamin at maghilamos ka muna, nakakahiya sa bisita mo," she looked at me as if I had something on my face.

Dumiretso na ako sa hapagkainan para ilagay 'yung mga plato. At ng mailapag ko ito sa hapagkainan ay napatingin ako sa salamin na nakasabit sa dingding ng bahay namin. Nanlaki ang aking mata sa aking nakita kaya agad akong nagtungo papunta sa CR.

            "Humarap ba talaga ako kay Bryan ng ganito?" sabi ko habang tinitignan ko ang aking sarili at hindi makapaniwala sa aking nakikita.

May panis na laway sa isang side ng aking cheek at mayroon pang muta sa magkabilang mata ko.  Naghilamos ako para matanggal ang mga dumi sa aking mukha at para na din maging kaaya-aya naman ang mukha ko kapag humarap na ako sa mga tao sa hapagkainan.

            Pagtapos noon ay dumiretso na ako sa dining table kung saan ay ready na sila mama at papa, pati si Bryan. I take my seat across Bryan facing with each other. Hindi ko alam pero habang kumakain kami at nag-uusap usap ay minsan nahuhuli ko pa siyang nakatingin sa akin. In the back of my head ay nakapaghilamos na naman ako kaya sigurado ako na wala ng dumi sa aking mukha.

The Promise (Published under LIB)Место, где живут истории. Откройте их для себя