Chapter 2

2.6K 63 2
                                        

------------------- 

JESELLE’s POV

 

            May mga bagay at pangyayari na wala sa mga kamay natin. At dahil sa mga pangyayaring ito nakakagawa tayo ng mga maling desisyon at mga desisyong hindi natin lubusang alam ang epekto sa ating buhay.

"Syempre thesis mate tayo so kailangan natin maging in-touch every now and then," sabi ko kay Bryan habang nakaupo kaming dalawa sa cafeteria. Tumatango tango lang ito habang nakikinig sa aking mga sinasabi.

 "At syempre mayroon tayong mga outdoor activities na tayong dalawa lang."

Napatingin bigla siya sa akin with a puzzled look, "huwag kang mag-isip ng malisya about that, syempre dahil pagplaplanuhan nating dalawa yung thesis natin," I explained.

            "Sige, update mo na lang ako," sabi niya. "It’s getting late, I have to go."

Biglang siyang tumayo at naglakad palayo sa table kung saan ako nakaupo. Nagulat ako sa ginawa niya. Pero parang importante ang kanyang pupuntahan kaya hinayaan ko na lang siya, but before we part our ways, we exchange number first.

Ang saya diba? Magkakatext kami, ang dami kong saya, infinite at sobra pa. Sorry exagge masyado pero ganoon din ang pagtingin ko kay Bryan, sobra at higit pa.

            Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong hinanap si Mama at nakita ko siya sa kusina.

            "Ma," I cried out.

            "Oh, bakit anak? Ano nangyari?" pag-aalalang sabi ni mama, ito’y napahinto sa kanyang ginagawa at napatitingin sa akin.

            "Ma, kinikilig ako," sabi ko habang nakatingin siya sa akin.

 "Ay, naku Jeselle Grace Bautista anong kaartihan na naman to?"  iritang sabi ni mama.

            "Ma, ka thesismate ko si crush. Yung kinukuwento ko sayo." 

            "Ah... yung Bryan ba yun?" she asked then turned to me. I saw her frowned.

            "Oo Ma," napapatitig si mama sa akin.

            "Oh, siya mamaya na natin pag-usapan yang girly-thingy na yan, maghapunan na muna tayo. Tulungan mo na din ako ihanda yung la mesa, tawagin mo na rin yung papa mo." 

            "Ok po."

            At ‘yun sinimulan ko na ang aking pagiging katulong mode. Inihanda ang lahat sa hapagkainan at sabay sabay kaming kumain ng hapunan. Pagtapos kumain ay may nakita ako sa sala na dalawang ticket.

            "Pa, kanino po ito?" tanong ko kay papa habang hawak-hawak ko yung ticket. Aking tinitigan kung ano para saan ito.

 "Ah, yan ba, binigay lang sa akin yan ng ninong mo. Mag-amusement park daw kami ng Mama mo this weekend," sabi ni Papa habang ito’y nakangiti.

"Puwede pong akin na lang?" tanong niya.

"Oh sige,” he answered with no hesitation in his voice.

The Promise (Published under LIB)Where stories live. Discover now