Chapter 3

2.1K 55 2
                                    

------------------------- 

BRYAN’s POV 

 

Hindi ko ma-explain ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Parang nagkukulang ng hangin aking baga sa sobrang saya ng aking nararamdam. Kinikilig ako sa mga sandaling mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. At 'yung moment na tinitignan ko siya habang nakatingin sa sunset, it’s all priceless. Bakit kasi natanga ako kanina? Pero sino ba naman ang hindi matatanga sa ganda ni Jeselle? Bagay na bagay pa yung dress na sout niya kanina. Noong nakita ko siya kanina sa school, I can't help it, but to smile. Para akong nakakita ng anghel. Kinilig kilig ako sa mga sandaling higit higit niya ang aking kamay.

Syempre, kinikilig din naman kaming mga lalaki, at isa sa mga sign na kinikilig kami ay 'yung bigla na lang kami ngingiti or palagi kaming nakangiti.

This day is wonderful. I mean she made me wonderful.

”Sana sa susunod di ka na matanga ulit Bryan,” sabi ko sa sarili ko.

Makakatulog ako ngayong gabi na may ngiti sa aking mukha. Pero bago ko isara ang aking mga mata may gusto akong siguraduhin. I looked at the ceiling wondering if she also thinks about me, and how wonderful this day had been. Ipinatong ko ang aking kamay sa aking dibdib. This feelings is unlike any other things I felt before. This is different, and I never felt this way. Siguro nga ito na yung sinasabi nilang love. Is this it? Have I really fallin' for this girl?

'Bryan i-tulog mo na nga lang yan,' sabi ng boses in the back of my mind.

------0-----0------0------

 

 

 

 

JESELLE’s POV 

Bagong araw, bagong simula. Pagkapasok ko ng room ay agad kong nakita si Bryan next to where I used to sit. Ganoon talaga, kapag gusto mo ang isang tao siya at siya at gustong makita ng mga mata mo. When I think about this, happiness is all I feel whenever I see him, it seems priceless and unexplainable. Love cannot be explained by mere facts and humans fear things that they couldn’t understand, but love is so different that even if we don’t understand it, we will find a way just to experience it.

 "Good Morning," he greeted me with a warm smile.

            I smiled and greeted him back, "Good Morning."

Ngayong araw ay may quiz pala kami kaya kailangan kong buklatin 'yung notes ko at ng may maisagot naman ako. Hindi kasi ako nakapag review kagabi kakaisip sa mga nangyari kahapon.

Habang binabasa ko ang notes ko napansin kong nakatingin sa akin si Bryan. Naconcious naman ako kaya napatingin rin ako sa kanya.

"May dumi ba sa mukha ko?"

Para siyang nagulat bigla noong tumingin ako sa kanya at nagtanong ako.

"Wala naman," mabilis niyang sagot sabay bawi ng tingin niya mula sa akin.

            "May pupuntahan ka ba after ng last subject mo?"

Nag-isip muna ako bago ako sumagot sa tanong niya, "wala na, bakit?"

The Promise (Published under LIB)Where stories live. Discover now