Chapter 4

1.7K 48 2
                                    

----------------

JESELLE’s POV

This past few days mas napalapit ako kay Bryan pero dahil lang naman 'yun sa thesis namin. Ayaw ko talagang bigyan kahulugan ang pinapakitang kabaitan sa akin ni Bryan. Since the last relationship I had na I thought 'yun na talaga forever, pero hindi pala. Kahit na may nararamdama ako para kay Bryan ay feeling ko hindi ‘yun sapat para makalimutan ko ang nakaraan.

Kasi kahit isipin natin na nag-e-exist ang salitang forever hindi natin maipagkakaila na kahit ang unli text ay may expiration date. Ayaw kong isipin iyon at ayaw ko ng balikan dahil sobrang sakit  ng aking naramdam noong iniwan niya ako. Iniwan ako ng ex ko ng hindi ko man lang alam 'yung rason.

Atleast ngayon okay na ako dahil na rin sa company na ibinibigay sa akin ni Bryan. He makes me love life more. Simula ng malaman ko kung paano niya nilabanan ang kalungkutan after his dad passed away. I also want to show him na kaya ko din i-overcome ang sakit na dulot ng nakaraan.

"Hi Jeselle, kanina ka pa ba? Sorry na late ako," he give me a smile. Everytime na makikita ko 'yung smile niya there is something with it - so damn unexplainable.

Sa paglipas ng mga araw na magkasama kami ni Bryan ay parang nasanay na 'yung puso ko. Hindi na ito kumabalabog at nagwawala sa pagtibok.

            "Ok lang kakarating ko lang din naman."

            Nagkita kami ni Bryan para ayosin at e-edit ang thesis namin. Actually, final editing na and after that ay puwede na namin itong ipaprint. Sa Thursday na kasi 'yung defense at sunod nito ay graduation na namin. Sarap sa feeling na gragraduate na kami, kaya kailangan namin gawin ang makakaya namin para mairaos ang thesis na ‘to.

            "Okay na ba?" Tanong niya habang tinitignan ko 'yung last part ng thesis.

"Dapat ito ilipat sa taas," I suggested habang pini-pinpoint ko 'yung nasa screen.

"Para hindi magulo 'yung thought, dapat," napahinto ako sa sasabihin ko.

Hindi ako nakagalaw ng bigla niyang ipatong ang elbows niya sa shoulders ko, as if hugging me from behind. Habang ako'y nakaupo at nakaharap sa screen ng laptop at siya naman ay nakatayo sa likod ng upuan na inuupuan ko.

Nararamdaman ko ang chest niya sa may batok ko and his heart beating. Sa una ay nabigla ako pero ngayon I'm loving this feeling. Pero hindi rin nagtagal ang ganoong posisyon namin. He withdraw himself.

"...okay na ba?" Tanong niya sabay bawi ng kanyang bisig na nakapatong sa aking shoulder blades.

“Oo, okay na yan." 'Yun lang ang nasabi ko, then he stand straight towering over me.

"Well, I guess puwede ng ipa-print yan."

Tumango lang ako as a sign that I agree. Pagkatapos noon ay pumunta kami sa nagbo-book bind sa may kanto at iniwan doon para sa makalawa ay puwede na namin ito makuha.

Heto na naman kami ni Bryan naglalakad papunta sa bahay namin. Kahit na sinabi ko sa kanya na huwag na niya akong ihatid pero mapilit siya para tanggihan ko.

Marami daw kasing mga masasamang loob na nagkalat ngayon 'buti daw sana kung lalaki ako. Since di ko siya mapigilan hinayaan ko na, gusto ko rin naman eh. Aarti pa ba ako?

The Promise (Published under LIB)Where stories live. Discover now