Hanggang sa matapos kaming kumain ay ganoon ng ganoon pa rin siya. Walang sawang nagpapaulan ng malalagkit niyang mga tingin. Pero hindi ko na ito pinansin, at pagkatapos noon ay tumayo na ako at inilagay ang aking kinainan sa sink.
Pagkatapos namin kumain ay nag-ayos na ang bawat isa para pumunta sa ospital. Ako’y naglinis ng katawan at nagbihis. Humarap ako sa salamin at naglagay ng kaunting make-up sa mukha at lipstick na rin. Pagkababa ko ay agad kong nakita si Bryan. Ngumiti ito sa akin habang pababa ako ng hagdan. I smiled back at him.
He motioned towards me and offer his hand. I grabbed it at sabay kaming lumabas ng bahay at dumiretso sa kotse. He opened the door for me.
“Thank you,” I mumbled.
Pagkapasok ko ay naroon na pala sila mama at papa sa loob ng sasakyan, sa likod ng driver seat. Pumasok na rin si Bryan at binuhay ang sasakyan. Dahan dahang itong lumiko at nagdrive na papunta sa aming pupuntahan.
Nang makarating kami sa labas ng ospital ay unang lumabas si Bryan. I saw him na umikot sa harap at binuksan ang pinto ng kotse kung saan ako’y lalabas. He opened my door.
I looked at him. “Thank you Bryan,” I said as I looked at him directly in his eyes.
Tumango lang siya at nginitian ako. Ganoon din naman ang ginawa ko. He’s so gentleman, ‘yun siguro ang isang rason kung bakit ako na inlove sa kanya. Gusto ko rin malaman yung ibang rason kung bakit siya ang napili kong pakasalan.
"Let's go,” he said offering his hand. I grabbed it at sabay kaming pumasok sa loob ng ospital.
Pagkarating na pagkarating namin ay agad akong nagpalit ako ng damit. At pagkatapos ay pinahiga ako sa isang machine na tinatawag nilang citiscan kung saan makikita ang utak mo para malaman kung may damage ba ito o kang may namumoung cancer cells sa utak mo. After that ay pinapasok ako ni Doktora sa isang kwarto kung saan kaming dalawa lang ang na sa loob. Nagtanong siya sa akin ng iba’t ibang tanong some are private and personal.
"Ano pangalan mo?" tanong ng doctor while looking at me seriously.
'DARNA po,' sagot ko. Pero joke lang 'yun. Adik 'yung author eh.
"Jeselle Grace Bautista," mahinhin kong sagot.
"Saan ka pumasok ng college?"
"University of Sto. Tomas."
"Anong specialization mo?" sabay tingin sa papel na hawak hawak niya.
Sa tingin ko ay doon nakasulat doon lahat ng information about me pati na rin ang mga tanong.
"Bachelor of Science in Chemical Engineering," I answered straight forwardly. She looked at me after she finished browsing the papers na hawak hawak niya.
"Anong taon ka grumaduate?'
Napaisip ako bigla sa tanong niya. Kailan nga ba ako grumaduate? Graduate na nga ba ako? I try to retrieve my thoughts but I always end up remembering nothing. At the end ay hindi ko nasagot ang tanong.
"Ilang taon ka na ba?" sunod niyng tanong.
This time I try again remember again kung ilang taon na nga ba ako. It was a personal information that one should know about himself but I don’t. Tumingin ako kay doktora with a puzzled look. Hindi ko alam pero parang may sariling utak ang dila ko at hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Anong year na po ba ngayon doktora?” I blurted out.
"It’s year 2014," kalmado niyang sagot. I felt unsatisfied kaya nagtanong ulit ako.
YOU ARE READING
The Promise (Published under LIB)
RomanceSi Jeselle Bautista ay nagmahal at nasaktan. Nasa moving on and forgetting stage na siya nang lumipat ng ibang university at doon nakilala si Bryan Rodriguez na kalat sa university ang pagiging achiever. Hindi alam ni Jeselle kung bakit lapit nang l...
Chapter 6
Start from the beginning
