Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Magsimula sa umpisa
                                    

"Para hindi magkatuluyan ang dal'wa. Je, naniniwala pa rin ako na kayo ang para sa isa't isa. Kayo ang dapat na ikasal!"

"Sya 'tong unang sumuko k-- " 

"Kung sumuko na sya, hindi ibigsabihin noon ay susuko ka na rin. Kung parehas kayong magsusukuan, talo lang kayo parehas"  biglang epal ni baklita.

"Tama sya bes."  pagsang-ayon ni Kaysha. 

Biglang nagkaroon ng katahimikan. Hindi na kasi ako umimik at hindi na rin nila sinubukang dugtungan pa ang usapan. Napaisip ako, paano nga kaya kung sumugod ako doon? Mapapatigil ko nga ba ang kasal? Haays, sa teleserye lang naman nangyayari 'yon eh. Sa kwento ko, malabong mangyari. Sinubukan ko na siyang pigilan pero itinaboy lang niya ako. 

~ DONE.  Tapos na kami for our hair and make up. Tahimik kaming lumabas na suot-suot na ang aming mga gown. Napapansin ko na parang hindi mapakali si Kaysha, parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi. 

 "Ohh Kaysha, nasaan na ba daw si Reign? Akala ko susunduin nya tayo." pagbasag ko sa katahimikan. Nagulat naman sya sa tanong ko, siguro ay hindi nya ineexpect na aattend talaga ako ng prom at hindi pipigilan ang kasal ni Renzo.

Ano ba, ayaw ko nang ipagsiksikan ang sarili ko. Papakasalan ba nya si Yoanna kung ako ang mahal nya? Hindi naman e. Kaya nga malinaw na sa akin ang lahat. Papakasalan nya si Yoanna kasi wala na ako sa buhay nya. Isa na lamang akong basurang itinapon nya.

"H-hindi pa siya nagrereply. Wait, tawagan ko lang." 

 Nagmamadali nyang tinawagan si Reign. Nakausap naman nya ito  at doon lang lang namin nalaman na umattend pala sya sa kasal ni Renzo bilang kapalit ng kuya nito na hindi makaka-attend ng kasal dahil daw busy sa trabaho.

"So, wala na tayong magagawa Kaysha. Magcommute na tayo."   sabi ko. 

Tinitigan nya lang ako at nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanya. Ano ba, bakit parang mas apektado pa sya sa akin! 

"Halika na"  hinila ko sya pero pumiglas sya. 

"Sigurado ka na ba? Ayaw kong may pagsisihan ka."

Ngumiti lang ako. "Wag ka na mag-alala, ayaw ko lang ipagsiksikan ang sarili ko."

Mas lumungkot yung mukha nya pero ngumiti lang ako. "Ano ka ba, tara na sa Fernwood, malelate na tayo." hinila ko na uli sya pero pumiglas na naman sya. "Kaysha, wala nga akong balak na pigilan ang kasal. Desisyon na mismo yun ni Renzo, wala akong karapatan na hadla--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla syang sumigaw. "Wait ngaa!" inayos nya ang buhok nya at tumingin na sya ng diresto sa akin. "Okay fine. Pero sigurado ka na ba tala --" 

Ngayon, sya naman ang hindi ko pinatapos. "Sure na nga! Hayaan mong magpakasaya sila, magpapakasaya rin ako sa pro -- "

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon