Chapter 6*

1.7K 29 6
                                    

Chapters 6 ~

"Narinig mo ba na binusted na raw ni Kaysha si fafa Renzo?"

"What? After niyang payagang manligaw, bigla niyang bubustedin? Paasa!"

Kasalukuyang bumibili ako ng kendi dito sa canteen at hindi sinasadyang marinig ang usapan ng dalawang babaeng nasa likod ko.

"Best friend ko ba ang pinag-uusapan nyo?" napaatras sila nang humarap ako at nag-unahan na tumakbo palabas ng canteen. 

Hindi naman paasa si Kaysha. Hinayaan niyang manligaw si Renzo para mas makilala pa ito, yun nga lang, hindi ito ang hinahanap niya. Si Reign pala, sa wakas ay nalaman rin niya! 

Umupo ako sa may pinakalapit na upuan sa loob ng canteen at doon kinain ang kendi na binili. Maaga lagi akong pumapasok dahil maaga akong ginigising ni Lola. As usual, wala pa si Kaysha dahil madalas ay late yun.

Nang mapalingon ako sa may gawing kanan ko ay napansin ko si Renzo. Nakaupong mag-isa at nakatulala sa kawalan. Hindi ko alam pero nararamdaman kong may problema siya. Dahil ba ni Kaysha? Hindi ko rin naman siya masisi.

Bigla siyang lumingon at nahuli niyang nakatingin ako sa kanya. By this time, alam kong lalapit na ito sa akin para asarin ako. Pero parang bigla akong nadisappoint nang hindi naman nangyari iyon. Lumingon ulit ako kung saan siya nakaupo kanina pero wala na siya. Saan siya nagpunta?

"Bakit mo ako hinahanap?" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang bigla itong sumulpot sa may likod ko.

"Papatayin mo ba talaga ako?!"

Tumawa naman siya ng malakas at umupo sa tabi ko.

"Kung hindi pa ako lumingon kanina, hindi mo aalisin ang tingin mo sa akin eh!"

"Kahit kailan talaga, napakayabang mo!"

Napatigil siya nang biglang may nagtext sa kanya. "Aww, kailangan ko nang umalis. See you when I see you!"

Ngumiti ito sa akin at tumayo na.

"Teka lang!" sigaw ko sa kanya.

Lumingon siya at nagtataka kung bakit ko siya tinawag. I just wanted to say that I feel sorry for him. Kahit hindi ko siya gusto para sa kaibigan ko, ay naaawa pa rin ako sa kanya. Ewan ko ba! Pero walang lumabas na salita sa bibig ko.

UnexpectedOnde histórias criam vida. Descubra agora