Part 2*

1.3K 24 3
                                    

Jelynne's POV

Napaka-aga kong nagising para simulan ang sandamakmak na homeworks namin. I don't know why teachers have to make their students suffer. I mean, sembreak - BREAK! Hindi ba pwedeng makapag-break muna kami sa stress na nararamdaman namin sa school?

Ang katwiran naman ng mga teachers, halos 2 weeks naman daw ang School Fest at siguradong nakapag-enjoy na raw kami. Mabuti sana kung ganun nga, busy kaya ang mga seniors sa pag-organize ng event na yun. =____="

Walang magagawa. Ganun talaga eh! Estudyante lang kami at kailangang sumunod sa pinag-uutos ng mga teachers.

 
Napalingon ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng aking libro. Renzo is calling.


I wonder why he's calling me this early. He usually make calls at 8am after  their breakfast.

6am? Dapat ay natutulog pa siya ngayon. Bakit kaya?

"I love you."  he said as I pickep up the phone. Hindi man lang ako pinag-hello bago mag I love you! Kakainis, ang agang agang nagpapakilig!

"Hey Jelynne, are you there?" 

I cleared my throat before I began speaking. "Yes, uhm. Good morning!"  hindi pa rin maalis sa akin ang ngiti.

"I said, I love you."  he sounded a bit disappointed.

"Haha! Ang arte mo. O siya, I love you too. Mwah!"  minsan nababaduyan talaga ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito ka-sweet eh. Well, nagbabago talaga ang tao lalo kapag in-love. Charot! Haha!

 
"Ano ba yan Jeje, hindi ka pa yata nagtu-toothbrush, hinalikan mo kaagad ako!"

"Wag mo nga akong tawaging Jeje"  napaikot naman ang mata ko.

Noong isang araw kasi ay nag-iisip siya kung anong endearment ang itatawag niya sa akin. Sabi ko wala, ayaw ko nang mga ganun kasi nga baduy. Tapos bigla niyang naisip na Jeje na lang daw. Mas lalong ayaw ko yun no! Parang Jejemon!

"Tsaka excuse me, kahit hindi pa ako nagtu-toothbrush, hindi naman ako bad breath. Nagmumog naman na kaya ako!"  ang sabi ko. Narinig ko naman siyang tumawa.

 
"Why so defensive?" he chuckled. "Jelynne, I miss you."

Kinilig na naman po ako!

"Miss na rin kita."

 
3 days after namin mag-EK ay umalis si Renzo papuntang Palawan, doon siya nagbabakasyon together with his family. 2 weeks lang naman siya doon. He'll come back before classes resume.

"Bakit nga pala napaaga ang tawag mo?"
"Ayaw mo?"

"Nagtatanong lang naman."

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon