Chapter 24*

1.4K 24 10
                                    

 Chapter 24 ~ 

Nagising na lang ako na para bang may mabigat na bagay na nakapatong sa ulo ko. "Arrgh." ungol ko habang pinupukpok ang aking ulo. Alam mo yung feeling na parang ang luwag ng turnilyo ng ulo mo, tapos parang kumakalog ang utak mo? Ganoon ang nararamdaman ko. Ang sakit!

"Huwag kasi iinom kung hindi naman pala kaya."  napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Kaysha. Pumasok siya mula sa pinto at inilapag ang dala niyang tray sa gilid ng kama ko.

Wait, kama niya pala 'to. Paano ako nakarating dito sa bahay nila?

"Sige na, kumain ka na at saka mo inumin itong gamot."

Napahawak na naman ako sa ulo at pinukpok uli ito. Ang sakit kasi talaga!

"Wag ka ngang umarte dyan, Jelynne. Ginusto mo yan!"

"Anong ginusto? Ni hindi ko nga alam kung anong nangyari eh!"   pagkatapos kong pukpukin ang sariling ulo, hinimas ko naman ito. Medyo tanga lang!

"Kumain ka muna and I'll explain to you what happen."  inalagay niya sa akin ang bed tray at napangiti ako ng makita ang champurado na nalulunod na sa gatas. Alam na alam talaga ni Kaysha kung anong paborito ko!

Pagkatapos ng ilang spoonfuls ay hinarap ko uli si Kaysha na panay ang ngiti sa cellphone niya, siguro ka-text niya si Reign. Ang harot! Ke-aga aga.

"Siguro naman pwede mo nang i-kwento sa akin ang mga nangyari?"  she rolled her eyes and keep her phone in her pocket. Umayos siya ng upo at hinarap ako.

"You were drunk last night."

"You must be kidding."  ang sabi ko at saka sumubo uli ng champurado.

Halos maibuga ko naman ang kinain ko nang biglang maalala ang nangyari. Shet, I must really got drunk. Naparami ang inom ko doon sa green drinks na sinerve sa akin kahapon. I don't know that it's alcohol! >___<

"You remember now?"  parang naiinis na sabi sa akin ni Kaysha. "Don't you ever do that, again! Hindi mo lang alam kung gaano ka kahirap bihisan." at umikot na naman ang mata niya.

"Hindi ko naman alam na alcohol pala yung nainom ko!"  sabi ko na parang nahihiya.

"Kaya nga sa susunod, alam mo muna kung ano yung iniinom mo. Mamaya niyan, hindi mo alam na lason na pala ang pinapainom ko sa'yo!"

"OA ka na, Kaysha. OA na."  ang sabi ko.

"You'll never know."  sabay irap ulit sa akin. "But thanks God, you were with Renzo before you pass out."

UnexpectedWhere stories live. Discover now