Chapter 34*

1K 14 3
                                    

Chapter 34 ~

JELYNNE's POV

Dumaan ang pasko at bagong taon. Medyo malungkot nga lang dahil hindi ko nakasama si Renzo sa mga panahong iyon. Oo, halos dalawang linggo na kaming hindi nagkikita. Puro text at tawag lang kami, na hindi rin palagi dahil palagi siyang hindi busy. Nasa Palawan ulit kasi siya para sa kanilang business. 

Sa totoo lang hindi ko makamusta nang ayos si Renzo, hindi ko alam kung nakapag-adjust na siya sa pagkawala ng Ninong niya. Ewan ko, wala akong lakas ng loob eh. Siguro, nalulungkot pa rin talaga siya. Naiintindihan ko na naman 'yon.

Nang magpasukan ulit ay agad na bumawi siya sa akin, ikinain niya ako sa isang mamamahaling restaurant. He really puts a lot of effort para hindi maapektuhan ang relasyon namin although minsan, hindi talaga maiwasan na natatahimik na lang siya bigla. It's like something is bothering him.

Just like now, I've been talking to him about our upcoming Prom but he's just staring at nowhere . Kahit tuloy ako ay napapaisip na rin kung anong iniisip niya.

Nakatitig lang ako sa kanya at pilit na binabasa ang nasa isip niya hanggang sa nahalata na lang niya ako . Hindi ko pa rin talaga siya makuha!

"B-bakit?"  naguguluhang tanong niya. "May dumi ba sa mukha ko?"

Umiling ako at ngumiti. "Wala. Ang sarap mo lang kasing titigan." Aish, parang gusto kong masuka sa sinabi ko. I mean, bigla na lang kasing lumabas sa bibig ko iyon, nakakahiya!

Nakita ko namang napatawa si Renzo, "Alam ko namang naga-gwapuhan ka talaga sa akin pero wag naman yung minu-minuto ay tinititigan mo ako. Mamaya matunaw ako, wala ka nang matitigan."

"Ha-ha! You're so funny!"  I said sarcastically.

Bakit nakukuha pa rin niyang magpatawa kahit may problema siya? Ayaw ko siyang tanungin dahil gusto ko siya ang mag-open sa akin.

Bigla na lang natahimik.

"Uy, kung may gusto kang sabihin, sabihin mo lang ha, makikinig ako sa'yo."  nag-aala pa rin kasi ako eh. Di talaga ako mapakali.

Imbis na sagutin niya ako, isang makahulugang ngiti lang ang ibinigay niya sa akin."hm, 'yung sinasabi ko nga pala kanina. Maghahanap kami ng gown ni Kaysha for Prom." pag-babalik ko sa topic, I am very sure na nakikinig na siya sa akin ngayon. "Ano, sama ka?"

"Matagal pa naman ang Prom ah?" nagtataka niyang tanong.

"Malapit na kaya, wala na ngang 1 month eh. Since february is coming, for sure sandamakmak na ang naghahanap ngayon ng gown for Prom, ayaw ni Kaysha na maubusan." explain ko.

"Sige, sige. Kayong bahala." iyon lamang ang naging sagot niya saka inayos ang gamit niya.

Maaga kami pumasok kaya tumambay muna kami sa F. park. Ang sabi ko nga kay Kaysha ay dito na lang rin dumaretso pero as usual, late na naman siya. Sa room na yun didiretso mamaya.

"Malapit na mag-time, hatid na kita sa room mo?"

Hinatid nga ako ni Renzo kagaya nang nakasanayan pagkatapos ay kumaway siya bago ako makapasok sa loob.

"Jelynne, nalaglag mo!"  at inibot sa akin ni Dinno ang aking panyo. Bakit ba sa lahat ng mahuhulog ay yung panyo pa na bigay ni Renzo at sa tuwing malalaglag ito, si Dinno na lang parati ang nakakapulot, buti na lang!

"Salamat!" masiglang tugon ko sa kaniya.

Me and Dinno were still friends, naging ganun pa rin naman ang turing namin sa isa't isa like nothing had happened. Parehas na naming nakalimutan ang ginawa niya at pinagsisihan na rin naman niya iyon.

UnexpectedWhere stories live. Discover now