Chapter 8*

1.7K 31 6
                                    

Chapter 8 ~ 

 

Jelynne's POV 

"Bitawan mo na nga ako!" sigaw ko sa kanya pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Pinipilit kong makawala pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Ang lokong ito! Sa oras na makawala ako sa kanya, mananagot siya sa akin!

"Yan nandito na tayo. "  nakangiti nyang sabi sa akin nang huminto kami.

Bumitaw na ako sa pagkakahawak nya sa akin at balak na sanang pagalitan sya at bugbugin ng biglang nang mapatingin ako sa unahan ko, "QUANTUM?" 

"Para mabawasan ang pagka-badtrip mo." nakangiti pa rin niyang sabi sa akin. "Libre ko kaya wag kang mag-alala!"

Kinuha ko agad ang biniling token ni Renzo at agad na pumunta sa UFO catcher. Ngayon na lang ulit kasi ako nakapunta dito sa quantum. Naging busy kasi ako lately dahil sa research paper namin.

Hindi naman ako mahilig maggawi dito. Pero dahil kay Kaysha ay bumabalik-balik kami rito pag may time kami. Hindi ako titigil hangga't hindi nakukuha si Fluffy!

Renzo's POV

Nang makuha niya mula sa cashier ang token na binili KO ay agad itong tumakbo at hindi man lang nagpapasalamat sa akin. Nakakainis pero napangiti na lang din ako sa inasal na yun ni Jelynne, para siyang bata. Parang ngayon na lang uli siya makakapaglaro dito. Sabik na sabik eh! Haha!

Hinayaan ko na lang siya at naglaro na lang mag-isa. This is one of my simplest way to forget all the pain. Sana pala ay hinayaan ko na lang na mawala ang feelings ko sa kanya. Ang hirap! Kung kailan unti-unti na kaming nagiging malapit ay saka ko naman malalaman ang katotohanan. Hmm. Okay na rin siguro. Mas maaga, mas mabuti.

Nang matapos ako sa aking paglalaro ay saka ko naisipang hanapin si Jelynne. Nasaan na ba ang babaeng iyon? Parang nakalimutan na din na magkasama kami.

At nakita ko rin siya! Naglalaro sa UFO catcher!

 

( UFO catcher -- tinatawag din tong claw crane. O kaya teddy picker o toy catcher. Yung icocontrol mo lang yung claw gamit yung joy stick tas yun itatapat mo lang yung claw sa trip mong toy. Basta yun na yun. :D )  --- Trivia po 'yan mula kay Kuya Renzo. Hahahaha.

"Nandito ka lang pala e at yan palang UFO catcher ang trip mo. Hahaha. "  Pang aasar ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako napansin.

UnexpectedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu