Chapter 27*

1.2K 14 6
                                    

Chapter 27 ~

Malayo pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Kaysha, lumabas kasi ito kanina para mag-cr, hindi na niya naintay si Ma'am para makapagdismiss. 

"I'm baack! Ano, uwian na b -- "  Hindi pa tuluyang nakakapasok ang aking kaibigan, hinila ko na agad siya palabas ng classroom. 

"Oo, uwian na. Uuwi na tayo."  sagot ko sa kanya at agad na iniabot ang kanyang bag.

"Teka lang, hindi ba't si Renzo yun?" panay ang lingon niya habang siya ay kinakaladkad ko. 

"Hayaan mo na siya, basta, uuwi na tayo." narinig ko namang napahagikhik itong si Kaysha. Ano naman kayang nakakatuwa sa nangyari?

 "Ano na namang drama 'to, Je?"  narinig kong bulong niya sa  akin.

"Huwag ka na ngang magtanong."

Malapit na kami sa may gate, ni hindi ko man lang naramdaman na sumunod sa amin si Renzo, ni hindi man lang ako tinawag o kaya'y pinigilan sa pag-aalis. 

"Oh, bakit tayo tumigil? Ineexpect mo na sinusundan ka ni Renzo?"  parang nang-aasar pa na sabi sa akin ni Kaysha nang bitawan ko siya. 

I turned away, flipping my hair. "Of course not, why would I think of that? Wala na akong pakialam sa kanya."

"Weh."  at humagalpak nang tawa itong magaling kong kaibigan. "Wala daw pakialam pero super affected naman. Wag ka ngang magkaila? Bakit kasi hindi mo na lang kausapin yung tao. Hindi yung iiwas-iwasan mo pagkatapos hahanap-hanapin mo rin?"

"Masisisi mo ba ako? Ilang araw siyang hindi nagpaparamdam sa akin tapos bigla siyang darating para lang pagtaasan ako ng boses?"

"What? Ginawa niya yun?"

Naiinis na tumango ako. "Oo, bakit daw kasama ko si Dinno. Tsk! Pati si Dinno nadamay pa."

"Eh nasaan si Dinno?" tanong ni Kaysha.

Nang dumating kasi si Kaysha ay basta ko na lang siya hinila palabas at si Dinno ay iniwan ko lang sa classroom at --- "Naku! Naiwan siya sa room kasama ni Renzo!"

"OMG Je, baka magpatayan ang dalawang yun dun!"

Nagmadaling bumalik kami ni Kaysha sa room at naabutan namin ang dalawa na nagpapalitan ng malalakas na suntok.

Ang unang nahagip ng kamay ko ay si Dinno dahil siya ang mas malapit sa akin. Nang maawat ko siya ay saka ko hinarap si Renzo na ngayon ay hawak naman ni Kaysha, "Renzo, ano ba'tong ginagawa mo? Pati si Dinno dinadamay mo?"

"At kinakampihan mo pa ang lalaking yan?!"  galit na galit na saad ni Renzo na pilit na kumakawala kay Kaysha.  "Hindi mo ba alam na matagal nang may gusto yan sa'yo? At unti-unti ka niyang inilalayo sa akin!"

UnexpectedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin