Starring 63

Depuis le début
                                    

Napangiti kami parehas ng mabuksan ang mga kuha ng guwardiya sa amin. Andoon iyong nakayakap ako sa kanya habang dala niya ang lobo. Isang nakangiti siya at isang hindi. Naandoon din ang kuha namin ng parehas kaming nakatingala sa lobong nagliparan. Andoon din iyong kuha namin na hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at huling-huli na nabitawan ko ang tali ng balloons.

"Photo share ko lang muna ah." Sabi niya. Isa iyong application ng iPhone na iPhone-to-iPhone lang. Hindi kasi uso sa ganitong cp ang basta-basta bluetooth at wala rin itong infrared tulad ng ibang celphones.

Yakap pa rin ako ni Franz habang ang kamay niya ay nasa harap ko at kinokopya ang tatlong litrato namin. "Ang cute natin dito." Puri pa niya sa mga pictures namin.

"Oo nga." Sangayon ko. Maganda naman kasi talaga iyong kuha namin.

Nang matapos na ay pinagbukas ako ni Franz at nagmaneho na siya pauwi. Mula sa pagmamaneho hanggang sa makabalik kami sa suite namin ay magkahawak lang kami ng kamay.

Masayang-masaya na sana kaming papasok sa suite namin ng makita namin na nasa loob sina Ate Gi, Kuya Jo at Kuya Max ng suite ni Fatima. Nakita namin kasi nakaawang naman ang pintuan.

"Anong nangyari?" Curious na tanong ko at sumilip pa sa suite nila. Si Franz naman ay nasa likod ko at busy sa pagse-send ng pictures namin sa mga magulang namin thru Viber account niya.

"Kauuwi lang namin. Magang-maga kasi ang paa ni Fatima at pinalagyan namin ng bandage sa hospital." Sagot sa akin ni Ate Gi.

Nagaalalang pumasok tuloy ako sa suite niya at nilapitan si Fat na nakaupo sa sofa habang nakataas ang mga paa sa unan. "Masakit pa ba?" Concern na tanong ko habang hawak ko ang isang kamay niya.

Pinisil naman ni Fatima ang kamay ko at ngumiti ng tipid. "Medyo. Pero huwag ka nang mag-alala, may bandage na kaya huhupa rin ito." Sabi niya sa akin. Medyo natigilan siya nang mapatingin sa kamay kong nakahawak sa kanya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung bakit siya natigilan bigla.

Itinaas niya ang kamay ko. "Bigay ni Franz?" Tanong niya.

Naglapitan tuloy sina Ate Sam para makiusyoso sa tinutukoy ni Fat. Ako naman ay parang nawalan na ng dila para sagutin siya. Nakita ko kasi ang malungkot na expression ng kanyang mga mata. How can I share my happiness to her kung ang pakiramdam ko, ang kasiyahan ko ay nagdadala ng kalungkutan sa kanya? Para tuloy nakokonsensya ako.

"Infinity ring ito, hindi ba?" Tanong pa ni Fatima. Namilog naman sa mangha ang mga kasama namin sa kamay kong kahawak ang kamay ni Fat hanggang ngayon.

"Yes. Ako ang may bigay niyan. I think it really suits her perfectly." Sagot ni Franz. Hindi man lang ata napansin ang kalungkutan sa mukha ni Fat. Niyakap pa ako ng loko mula sa likod kaya nag-iwas na lang ng tingin si Fatima.

"Wow! Mahal ito ah!" Hindi mapigilang palatak ni Ate Gi.

"Ang ganda, Miss Stephanie!" Paghanga ni Ate Sam. Ako naman ay ngumiti lang. Ayoko namang ipagyabang sa harap ni Fatima ang singsing.

Pagkatapos nilang batiin ay muling tumingin sa amin si Fatima. "It suits you well." Sabi niya sa akin at bumaling kay Franz. "Maganda ito, Franz." Sabi niyang sincere pero kita ko ang lungkot ng pangungulila sa kanyang mga mata.

Hindi naman ako insensitive para hayaang masaktan pa lalo si Fat. Niyaya ko na si Franz na kunyari ay inaantok na ako.

"Pagaling ka ha. Kapag may kailangan ka, just text me." Sabi ko kay Fat. Yumuko ako para magbeso sa kanya. Walang dahilan para hindi ako maging mabait sa kanya. She was nice to me.

The StarOù les histoires vivent. Découvrez maintenant