Luha

1.1K 2 0
                                    

Ni: A.M. Ferrer
(2011)

Sa bawa't pighati na nararanasan
Pagpatak ng luha ay di maiwasan
Lahat naman tayo ay dumaranas
ng mga problemang tila wala ng wakas.

May iba't-ibang dahilan ang ating pagluha
Maaaring dahil sa lubos na kaligayahan
Maaari ring dahil sa kapighatian
At kung minsa'y dahil sa pagkaawa.

Maliban sa pighati at kagalakan
Isa pang dahilan ay ang kasawian
Hindi lamang kasawian sa kapamilya
Kasawian sa pag-ibig ay isa ring dahilan.

Lahat ng bagay ay may dahilan
Katulad ng pagpatak ng luha ng biglaan
Ang pagpatak ng luha ko'y ikaw ang dahilan
Di ko malaman ano'ng nagawa kong kasalanan.

Bakit nga ba ako'y hindi na pinapansin
Ano ba ang nararapat kong gawin
Upang mapatawad mo at magkaayos na ulit
Ang pagkakaibigang nais kong maulit...

(Output in Filipino IV)

Words and FeelingsOn viuen les histories. Descobreix ara