MINAMAHAL KITA

23 0 0
                                    

Minamahal kita...

Mayroong dilim sa iyong kalangitan
At mga mata'y puno ng kalungkutan
Sanhi ay ang nangyayari sa kasalukuyan
Na tila walang katapusan.

Sa gitna nang iyong dinaranas
Wag mo sanang isiping ito'y walang lunas
Tandaan mo sanang pagmamahal ko ay wagas
At hindi kailanman ito magwawakas.

Nawa ay iyong baunin sa araw-araw
Ang pagmamahal kong pumapatid ng uhaw
Ang inialay ko noong pagpapakasakit at pagpanaw
Ay upang iyong masilayan ang langit na bughaw.

Sa iyong bawat paghihirap at pighati
Maalala mo sanang Ako'y iyong kahati
At ang Ating Ama sa langit ay likas na mabuti
Ito'y nagaganap upang Siya'y lubos na maluwalhati.

,thus says the Lord.

----A.M.Ferrer 04.08.2020

#ArtInATimeofQuarantine #CreativeEvangelization #Missionary247

Words and FeelingsWhere stories live. Discover now