SALAMAT...

26 0 0
                                    

SALAMAT…

Salamat …
Sa pagmamahal Mong walang katumbas
Sa awa at grasya Mong tunay at wagas
Na hindi nagbabago sa bawat oras
At sa bawat araw na lumilipas.

Salamat…
Sa pag-alay ng Iyong bugtong na anak
Para sa mga makasalanang nasasadlak
Hinayaan Mong siya’y malibak
Sa krus ng kamatayan siya’y itinulak.

Salamat…
Bagama’t makasalanan, kami’y Iyong niligtas
At patuloy mo Kaming binibigyan ng lakas
Upang maharap namin ang bawat bukas
At makasama kami sa Iyong pangako hanggang sa wakas.

Salamat…
Sa buhay naming Iyong ibinigay
At sa pagpanaw ang aming lumbay
Nang si Kristo’y muling nabuhay
Nawa kami ay makapaglingkod
sa Iyo ng tunay.

(My heart is grateful for He died
for us, and hopeful because of
His resurrection)

--- AM.FERRER 04.12.2020

#ArtInATimeOfQuarantine
#GratefulHeart #HopefulSoul #CreativeEvangelization
#M247

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Words and FeelingsWhere stories live. Discover now