Huwarang Pilipino

2.2K 7 0
                                    

Ni: A.M. Ferrer
08.27.2010

Ang huwarang Pilipino'y mabait at magalang,
Tunay na mapagmahal sa kanyang mga magulang.
Sa pagtulong sa kapwa siya'y maaasahan,
Laging tumutulong sa nangangailangan.

Siya ay laging maingat sa kanyang pananalita,
Nang hindi niya masaktan ang kanyang kapwa.
Siya'y masinop sa lahat ng gamit,
Maingat sa pag-gasta, masinop sa damit.

Sa kagandahang asal, Pilipino'y huwaran
Malumanay magsalita, pagkilos ay marahan
Magalang na salita'y hindi nakakalimutan,
Kapag kinakausap ninuma't saan man.

(Output in Values-III)

Words and FeelingsWhere stories live. Discover now