Hopeless

83 2 0
                                    

Ni: A.M. Ferrer
(04.04.2015)

Sa pagpupumilit ng isip kong ikaw ay iwasan
Sadya namang taliwas ang puso kong nagmamahal
Kahit na alam na alam ko na ang kahihinatnan
Bakit kailangan pa din sayo ako mapamahal?

Nakatingin sa ulap at nakikiusap
Na sana'y lisanin na ang aking puso't isip
Bigyan nang kapayapaan puso kong nababalam
Sa pag-ibig sa tulad mong iba ang mahal.

Mahal na nga yata talaga kita,
Kasing linaw ng batis ang lihim na pagsinta
Kahit wala akong katiting na pag-asa
Sa puso mong tinitibok ay siya.

Sana maramdaman mo ang tunayna nadarama
Sa tulang isinulat sa papel na nakita
Inilahad ang tunay at wagas na pag-ibig
Na hindi mabigkas ng aking bibig.

Words and FeelingsWhere stories live. Discover now