Guwardiyadong Puso

100 2 0
                                    

Ni: A.M. Ferrer
(04.04.2015)

Sabi ng isip ko ay tama na muna
Sapat na ang sakit na aking nadama
Muli na naman kasi akong umasa
Sa taong nagsabing hindi pa siya handa

Malapit na sana akong tumigil
Nadarama ng puso'y malapit ng masupil
Ngunit bigla kang dumating
At puso ko'y bigla na namang napraning.

Nilalagyan ko na ng harang ang aking puso
Ngunit paano ito tuluyang magiging sarado?
Kung sa pagdating mo'y pilit itong kumakawala
Pusong ito'y malapit na namang magmahal at umasa.

Una pa lamang alam kong walang pag-asa
Pagka't simula pa lamang ay naulinigan ko na
Na may iba kang taong hinihintay
Puso at isip mo'y sa kanya inialay.

Kaya't bago pa man ako tuluyang masaktan
Babakuran ko ng bakal pusong nakawala
Isipan kong ito'y ibabaling sa iba
Nang ang sarili'y hindi na umasa.

Kaibigan lang naman talaga  dapat kita
Di na dapat na mas lumalim pa
Itong aking mununting nadarama
Dahil puso ko'y di na kayang muling masaktan pa.

Words and FeelingsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα