IKALAWANG TASA

39 2 0
                                    

IKALAWANG TASA
A.M.Ferrer
(8.17.2017)

Sa huling higop ko sa huling patak ng kape sa ikalawang tasa,
Aking napagtantong ako'y buhay pa.
Akala ko'y di na titibok pang muli ang puso kong sawi.
Ngunit ang palpitasyon ay patunay na may kakayahan pa itong tumibok sa abnormal na paraan sa taong tunay na nakalaan.

Mahal ko,
kung darating ka man.
Sana'y tumitibok ang puso ko hindi dulot ng kapeng nainom
ngunit dulot ng tuwa dahil puso ko'y naghilom
sa sakit ng kahapon.

Sana,
sa iyong daan patungo sa akin
ay wag nang mapalingon
at ang pagsuyo ay sa iba itapon
Humingi ng gabay sa Panginoon
Upang makaiwas sa anumang temptasyon.

Words and FeelingsWhere stories live. Discover now