Gumapang ang kilabot sa buong sistema ko nang makarinig ako ng tunog ng violin. Narinig ko din ang paghila ni Franz ng upuan sa harap ko. Malamang ay nasa loob na siguro kami ng resto.

"P-pwede na bang tanggalin ito?" Hindi ko na maitago ang panginginig ng boses ko dahil sa excitement.

"Sige." Simpleng sagot niya.

Nangangatal pa ang daliri ko nang tanggalin ko ang buhol ng panyo sa mga mata ko. Kinurap-kurap ko pa muna ang mga mata ko dahil parang nasisilaw ako sa liwanag.

Ganun na lang ang pamimilog ng mata ko nang makitang nasa harap kami ng lamesa at may pagkain. Expected ko na ito. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang candlelight na nasa harap ko. Tumingin ako sa paligid at puno ng balloons na kulay red. May nagba-violin na Mama sa tabi namin.

"Howmaygad!" Tanging nasabi ko at napahawak pa ako sa bibig ko sa sobrang mangha. I can't believe that Franz has this sweet hormones. Dinner by candlelight sa gitna ng garden. Restaurant siya pero parang nasa gitna ng garden. Shock talaga ako.

"You like it?" Nakangiting tanong niya sa akin. Kitang-kita ko ang dimples niya sa pisngi na nakakadagdag talaga ng kanyang kagwapuhan.

"Are you kidding me? Of course, I like it!" Sabi ko na punong-puno ng saya. Ang dating cold hearted na si Franz Roff, gagawin ang ganito sa akin? Noon, alam kong kaya niya rin ito. Nasaksihan ko din kasi kung gaano siya kalambing kay Fatima noon. Pero hindi ko inisip na dadating ang araw na ipaparanas niya sa akin ang ganito.

The place was perfect. Hindi ko alam na may ganito palang lugar dito sa California. Ang tugtog sa violin na Somebody ng Depeche Mode ay perpekto din. Ang pagkaing nakahain na may red wine pa sa gilid, ay talagang nakakataba ng puso.

I really can't describe how happy I am right now! Grabe ang kilig na nararamdaman ko. Ang mga paru-paro sa tiyan ko ay parang may flying contest na naguunahan sa paglipad sa sikmura ko. Kung panaginip lang ito, sana hindi na ako magising.

"Let's eat?" Nakangiting anyaya niya sa akin.

Tulala ako at hindi makapaniwala habang kumakain. Ang sarap din ng luto ng chef sa resto na ito. Tamang-tama sa panlasa ko.

Tahimik lang kaming kumakain habang maya't-maya ay nahuhuli kong nakatanga sa akin si Franz. Nakakailang tuloy na sumubo ng malaki. "Franz, nakaka-concious ka!" Reklamo ko.

Tumikhim siya at tumawa. "Ganoon ba? Sorry! I can't help but stare at you. I feel so contented seeing how happy you are right now." Nakangiting sabi niya, ang mga mata naka-lock na sa mata ko.

Iniwasan ko nang tumingin sa kanya dahil hindi ko kaya ang kanyang titig. Hindi ako kasi makahinga ng ayos sa kilig!. Pero mas nailang ako sa ginawa niya. Humati siya ng steak sa plato niya at isinubo sa akin.

"Franz, kaya kong kumain mag-isa." Sabi ko sa gitna ng pagnguya.

Medyo napaatras ako nang hindi ko inaasahang pupunasan niya ang gilid ng bibig ko na may sauce ata ng steak. "May dumi." Sabi niya sa akin na ikinapula ng mga pisngi ko.

Natapos kaming kumain ng salinan kami ng waiter ng red wine. Iyong kaba ko tuloy hindi mawala. Ano ba kasi itong pakulo ni Franz? Nakakanerbyos siya ah. Infairness! Feeling ko tuloy, ang swerte ko sa mga nagiging karelasyon ko.

Si Von, palagi kaming may tour tuwing may monthsary dati. Ito namang si Franz, may mga ganitong drama? Hindi ko inaasahan talaga ito. Kasi noong first month naman namin bilang mag-asawa ay wala namang espesyal na nangyari. Pero ngayon, wow! Just wow!!

Itinaas ni Franz ang kupita. "Cheers to the two of us. For our happiness!" Sabi niya kaya nakipagcheers na ako at ininom ang wine.

Sumenyas siya sa nagba-violin na iwan na kami. Kinabahan ako! Joskopolord! Masosolo kami? Baka hindi kayanin ng puso ko kung anuman ang mangyayari.

The StarWhere stories live. Discover now