Claire's POV
Days, weeks and months passed. At eto ako namumuhay ng payapa dito sa lugar kung saan ako pinanganak noon. Sa ibang bansa. Yes umalis ako para magbakasakaling magiging tahimik ang buhay ko at buhay nila Cade. At nagtagumpay naman siguro ako. Nag-aayos ako ng gamit ko para magpunta sa mall at magrelax matapos ang nakakapagod na araw. Naglalakad na ako dito sa may triangle ng may familiar na mukha akong naaninag sa di kalayuan. Tindig, aura at mata niya. It feels like, it's so familiar to me. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad ko. Nakaramdam ako na may sumusunod sakin kaya mas binilisan ko ang lakad para hindi niya ako masundan pero nung papasok na ako sa isang coffee shop may humawak sa braso ko. Ang lakas niya sa sobrang lakas ng paghawak niya sa braso ko may onting bakat ng kamay na naiwan sa aking braso. Agad akong lumingon para makita kung sino yun.
"Bat ka nagmamadali? Pinagod mo'ko ah." nagbibirong sabi niya
"Ahh, may lakad pa kasi ako" nahihiyang sagot ko. Bat ko ba siya kinakausap? Hindi naman kami close eh.
"Coffee muna tayo? Tutal, nandito na rin naman tayo eh" masayang suhesyon niya. Naghanap na kami ng pwesto at umupo.
"Ako na lang ang mag-oorder." Nakangiti niyang sambit at tsaka pumila sa counter.
Bakit siya nandito? Bakit? Tsaka hindi ba niya kasama si Trisha?
Mang gugulo na naman ba si Trisha dito?
Bumalik na siyang muli dala ang order namin. Hindi ko siya matitigan dahil feeling ko siya yun. Sa hawak ng kamay niya sa braso ko, siyang siya 'yun. Humigop ako ng kape na inorder namin ng muli siyang nagsalita.
"Kamusta kana Claire?" habang hawak ang baso ng kape
"O-ok lang ako." Nauutal konf sagot sa kaniya. Nagmadali akong ubusin ang kape ko para makaalis na pero muli na naman siyang nagsalita.
"Bat ka nga pala nandito?" Tanong niya. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo Zyrus?
"Ahh, wala lang gusto ko lang dito muna magbakasyon." sagot ko naman. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?
"Ikaw? Bat ka nandito?" Dugtong ko.
"Ah, nagbabakasyon lang din." Halatang naiilang siya sa pagsagot.
"Bat di mo kasama si Trisha?" matapang kong tanong.
"Ah, ayaw sumama eh." Sagot naman niya.
Napatingin ako sa mukha niya at napansin ko ang sugat sa lower lip niya. Nakakita na rin ako niyan noon.. nakalimutan ko nga lang kung saan at kailan. Pero siya kaya yun? Tama kaya yung hinala ko? Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong 30 minutes na kaming magkasama.
"Ah, Zyrus. Mauuna na ko ha? May lakad pa kasi ako eh." Naiilang kong paalam sa kaniya.
"Hatid na kita" suhesyon naman niya
Ngumiti ako at umiling.
"Hindi na may dadaanan pa kasi ako" paalam ko sa kanya at umalis na. Hays. Parang iba 'yung pakiramdam ko nung nagkita kami ni Zyrus. Bat ganon? Nagmamadali akong pumunta sa isang shop para bumili ng damit na susuotin ko mamaya. Oo nga pala, kasama ko si Ed dito yung pinsan ko. Half man half woman sya kaya nag-eenjoy akong kasama siya. Bumili daw ako ng gown para sa pupuntahan naming birthday party. Bongga daw kasi 'yun kaya dapat paghandaan. Namili ako sa gown na nakadisplay doon pero wala akong matipuhan kaya dress na lang ang binili ko. It was a black and white dress, white sa taas na part at black naman sa pang-ibaba. Nung nabayaran ko na at nakuha umuwi na ako agad para makapag-ayos.
Naabutan ko si Ed na nakaready na at nakaupo na lang sa sofa.
"Hoy bakla! Bat ang tagal mo? Patingin nga ako ng gown na binili mo"
Pinakita ko sa kaniya yung dress na nabili ko.
"Juskoooo day! Sabi ko gown hindi dress! Kaloka ka! Pero oh siya sige ayan na suotin mo tutal nandyan na yan anong oras na rin." Pinapwesto na niya ako sa harap ng salamin at pinaupo para maayusan na.
Bago niya akong simulang ayusan may kinuha muna siya sa lagayan niya ng damit.
"Oh day, eto na yung suotin mo. Black and white gown itey alam kong dress ang bibilhin mo kaya eto gaya ng dress na binili mo eto gown oh suotin mo muna." Inabot niya sakin ang magandang gown na parehas ng design sa dress na binili ko pero mas bongga yung nasa gown.
Sinunod ko na lang siya at sinuot yung gown bago bumalik doon para maayusan na.
After an hour, natapos na ako ayusan.
"Pak! Ang ganda ganda mo na inday! Jusko mapapanganga sila sayo!" Masayang sambit naman ni ed.
"Ang bongga naman nito, baka matalbugan ko yung birthday celebrant" sagot ko naman sa kaniya. Ang ganda kasi ng pagkakaayos sakin ni Ed. Parang ako yung magbibirthday.
"Okay lang yan bakla, nga pala eto magsuot ka ng mask magsusuot din ako kasi yun yung sinabi sakin ng nag-invite." Wika naman ni Ed. Black mask yung sinuot ko yung mask na hanggang ilong lang. Nagpunta na kami ni Ed sa venue.
Nasa rooftop na kami dahil doon daw aantayin ang ibang guests para mahanapan ng pwesto sa venue. Dalawa palang kami ni Ed ang nandun 8 pm na ng gabi kaya maaninag na ang mga stars. Nakatingala lang ako. Hays. Namimiss ko na ang squad pati si Cade..
"Bakla, wait lang dyan ka lang ah nawiwiwi akes eh. Di ko na kayang tiisin to." Paalam naman ni Ed sakin. Tumango na lang ako tsaka siya umalis.
Mayamaya may lumapit sakin na lalaking na black and white na tuxedo at naka black naman na mask.
"Miss, aattend ka rin ba sa party? Halika may pwesto na sa loob."
Inialok niya sakin ang braso niya para alalayan ako. Hinawakan ko ito at bigla akong natigilan sa naramdaman ko.
He's familiar.
Naglakad na kami papunta sa loob ng isang kwarto ng tinanggal ko na ang kamay ko sa lalaki ng biglang namatay ang ilaw. Waa akong makita kung hindi dilim. Natatakot na ako. Ilang minuto ang nakalipas nagbukas ang ilaw sa di kalayuan sa ibabang bahagi ng kwartong iyon at nakita ko si Ed.
"And please welcome our debutant, Miss Queana Claire Deguzman."
Umilaw sa bahagi kung nasaan ako at natigilan lang ako roon. Nakatingin ako kay Ed na sinesenyasan na bumaba ako at magpunta kung nasaan siya. Hindi ko alam ang gagawin ko pero naglakad ako pababa sa hagdan. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang may sumulpot na lalaki sa gilid ko at inilagay ang kamay ko sa braso nito para alalayan ako. Siya yung lalaking nagpapasok sa akin dito sa loob. Nang may mga sampung hakbang nalang pababa. Nakita ko sila.. sa mga mata nila alam kong sila yun.
Nangingilid na ang luha sa mata ko at para bang wala sa oras na papatak an luha ko..
Hinanap ko ang mga matang nais kong makita.. tumingin ako sa right side na bahagi ng dulo ng hagdan ng nakita ko ang mga mata niya..
Tumakbo ako papunta sa kaniya at wala akong pakialam kung madapa man ako dahil gustong gusto ko na siyang yakapin.
Si Cade..
Lahat ng kaibigan ko at pamilya ko ay narito. Habang nakayakap ako sa kaniya hindi mapigilan ng luha kong umagos galing sa mga mata ko.
"Nakilala mo naman ako agad ang daya.." bulong sakin ni Cade.
Hindi ko ito pinansin at lalong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.
I missed you like crazy Cade.
YOU ARE READING
No strings attached
Teen FictionA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...
