Another person's POV
Pinatay ko ang ilaw sa venue at yun na ang signal para gawin ko 'yun. Kailangan mawala ni Cade sa landas namin ni Claire. Mahal na mahal ko siya at handa akong maging kriminal para sa kanya.
Nakita ko na tinakbo ni Matt si Cade sa kotse niya kasama si Claire. Wala na itong malay at puno na ng dugo. Goodbye Cade.
Umuwi na ako sa bahay at naligo. Everything inside my room is full of Claire. Her pictures. She's so damn beautiful. Siya na ang babaeng papakasalan ko at wala ng iba.
Nagulat ako ng bigla siyang pumasok sa kwarto ko.
"Ano na namang ginawa mo kay Cade?" sigaw naman ni Trisha sa akin.
"Eh ano ba yun sayo? You already have Keith." sagot ko naman sa kanya
"Hmm, i don't want him na e. Nagsawa na ako, Si Cade na ang gusto ko." sagot naman niya with matching kagat sa labi.
Okay. If that's what you want.
--
Claire's POV
Nagising ako na hindi pa din nagigising si Cade. Maaga palang at hindi pa sumisikat ang araw. Tinignan ko sila Matt at Lianna, tulog sila. Wait, asan si Ate Chloe? Binitawan ko muna ang kamay ni Cade at lumabas ng kwarto para hanapin si ate Chloe. Pagkalabas ko sakto namang papasok siya dito sa kwarto.
"Hmm? Claire, san ka pupunta?" sambit naman ni Ate Chloe habang kumakain ng burger.
"Hahanapin sana kita Ate" sagot ko naman
"Tara pasok na tayo" pumasok na ulit kami sa loob ng kwarto at umupo sa tabi ng hospital bed ni Cade. Nakatitig na naman ako sa kanya.
"Claire, d-do you have feelings for him?" seryosong tanong ni ate sa akin.
"Hmm?" sagot ko naman
"I mean, may feelings ka ba sa kanya? Kasi i can see in his eyes na may feelings siya for you. Lalo na nung ilang years ka sa ibang bansa." sambit naman ni Ate Chloe.
"I care for him, nag-aalala ako sa kanya lalo na kapag nagkakasakit siya. I know everything about him, i love all that negative man or positive. Sa tuwing siya ang nakikita ko, feeling ko safe ako." sagot ko naman sa kanya
"S-siguro nga mahal ko siya" nauutal kong sagot kay Ate Chloe.
Napayuko ako dahil sa sinabi ko. Sana hindi pa huli ang lahat para mapadama kong mahal rin kita Cade.. Sana. Hindi pa huli..
Kailan ka kaya magigising Arturo?
Namimiss na kita..
Nagpaalam muna si Ate Chloe na susunduin si Kuya sa may parking lot sa baba. Naiwan akong mag-isang gising sa loob ng apat na sulok na nakatitig sa taong mahal ko.
"I'm sorry Cade.. ilang beses na kitang nasasaktan." napayuko ako at nagbabadya na ang luha ko ng may kumatok sa pinto. Sigurado sila Kuya Pau yun. Pero pagbukas ko, wala akong nadatnan. Napatingin ako sa may paanan ko at may nakitang papel. Pinulot ko ang papel at binasaha ang mensahe na nakasulat doon.
"Nagsisimula palang ang laro, baby." -ANONYMOUS
Nilukot ko ang papel at tinapon ito. Wala akong panahon makipag gaguhan sa mga tao ngayon. Hindi maganda ang kalagayan ng mahal ko. At dahil 'yun sa akin..
Bumalik ako sa tabi ng hospital bed ni Cade.
Kung ako ang dahilan ng lahat ng paghihirap mo.. Handa akong umalis muli para hindi ka na masaktan pa. Mahal na mahal kita Cade.. Mahal na mahal kita.
Dumating si Kuya at Ate Chloe.
"Matulog ka muna Claire.. alam kong napagod ka"
Dalawa ang hospital bed doon, at bakante yun isa kaya doon ako pinatulog ni Kuya. Mga ilang oras rin bago ako nakatulog dahil nakaside ako at nakatitig pa din kay Cade. Nanatili ako sa ganung pwesto at nakatulog.
Masaya akong nakatayo sa labas ng bahay at nag-aantay na dumating siya. Ngumiti ako ng may nakikita akong tao na palalapit sa akin.
But, he's not Cade.
Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko at inilapit sa kanya. Malabo ang lahat at hindi ko maaninag ang mukha niya. Naramdaman kong may idinikit siyang matulis na bagay sa puso ko, at umakyat ito sa leeg ko.
"Akin ka lang at handa kong patayin si Cade para maging akin ka."
Banggit niya. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas at hindi ko magawang makaalis sa mga kamay niya. —
Nagising ako ng hawak hawak ni Kuya Pau ang balikat ko.
"Ok ka lang?" sambit niya ng nagising ako.
"O-ok lang ako kuya" sagot ko naman sakanya
S-sino 'yun?
Kung makikilala man kita, handa kong protektahan si Cade. Hindi mo siya maaring saktan. Ako muna ang makakaharap mo.
"I am the queen you will never want to see again if you don't stop doing this shits."
Uminom ako ng tubig at umupo sa bakanteng hospital bed ng nakaharap kay Cade. Lumapit ako sa kanya at nagsalita..
"Handa akong maging sundalo para sayo Cade." bulong ko sa kanya
Sana naririnig mo lahat ng sinasabi ko Cade. Magising kana please.
2 araw na ang nakalipas pero hindi pa rin gising si Cade. Cade please, kailangan mo ng magising. Nagpaalam ako kay Kuya na magpapasama kay Matt para kumuha ng damit sa bahay. Nauna na si Matt sa parking lot at sumunod naman ako.
Naghagdan lang ako, malapit na ako sa pinto papuntang parking lot ng may biglang humila sa akin sa ilalim ng hagdan.
Isang lalaki ang humila sa akin, nakamask siya ng itim at may kung ano sa lower lip niya. Masyado kasing fit yun mask niya kaya 'yun nakita. May kasama siyang babae na nakatalikod at nagphophone.
"Hays. Finally, nasolo ka rin namin." sambit ng babae.
Her voice is so familiar to me, at alam kong si Trisha 'yun. Humarap siya sa akin at tinabihan yung lalaki.
"Hi besty" nakangiti niyang sambit sakin.
"Besty your face bitch." sagot ko naman sa kanya
Nagbadya siyang hawakan ang baba ko pero pinigilan ito ng lalaki at tinignan siya.
"Fine. Layuan mo na si Cade.. Kung ayaw mong ikaw ang maging dahilan ng pagkamatay niya." dahil sa sinabi niya, sasampalin ko na dapat siya pero hinawakan ako ng lalaki sa balikat ko. At inilapit sa kanya. Naglabas siya ng kutsilyo at tinutok sa puso ko, pataas sa leeg ko.
Wait — h-hindi ito pwedeng mangyari. My d-dream last night.. Nilapit ng lalaki ang bibig niya sa tenga ko at nagsalita
"Akin ka lang at handa kong patayin si Cade para maging akin ka."
Sinuntok ko siya at tumakbo sa parking lot kung nasaan si Matt. Hinabol ko ang hininga ko bago tuluyang lumapit kay Matt.
"What happened?" tanong niya sakin
"M-may lalaki na nagbanta sa akin, papatayin niya daw si Cade para maging sa kanya ako." nauutal kong sabi kay Matt.
"Okay, hindi ka dapat nag-iisa sasabihin ko to kay Paulo. From now on, hindi ka pwedeng umalis mag-isa. Okay?" sagot naman sakin ni Matt tsaka kami umalis at nagpunta sa bahay.
YOU ARE READING
No strings attached
Teen FictionA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...
