Another person's POV
Nilibot ko ang mata ko pero hindi ko pa rin siya makita. Wala ba siya dito sa bahay nila? Sumilip ako sa may gate pero wala atang tao. Naglakad na lang ako papuntang park malapit sa kanila. Hays. I miss her.. Nung naglalakad ako papuntang park, nakita ko ang kotse ni Keith.
Saan kaya siya pupunta?
--
Claire's POV
S-si Keith at Tita Yna ay nasa harapan ko na ngayon. Napako ako sa kinauupuan ko at nakatitig lang sa kanila. Tita Yna is Keith's mom and bestfriends sila ni Mama. May alam kaya siya sa buhay ko?
Nangingilid ang luha sa mata ko habang tinititigan ko sila, pero pinipilit kong wag itong tuluyang pumatak.
"W-why are you here?" nauutal kong sambit
Nakayuko silang dalawa sa akin. Napaluhod si Tita at nakahawak sa tuhod ko.
"I am sorry Claire, it was all my fault." naiiyak niyang sabi sakin
Anong sinasabi mo Tita?
Naabutan kami ni Cade sa ganoong sitwasyon. Tinignan ko siya at hinila niya si Keith palayo roon. At mayamaya, si Cade na lang ang bumalik.
"C-cade can you please leave us alon—" hininto ko si Tita at nagsalita
"Everything you want to say, gusto kong 'yung marinig lahat kasama si Cade." sambit ko. He was with me, in my worst and my best.
"O-okay."
"I.. am you real mom Claire." nagulat kaming dalawa ni Cade sa sinabi niya, napayuko ako at di na napigilan tumulo ng luha ko. Kinuyom ko ang mga kamay ko pero hinawakan ako ni Cade sa balikat ko.
"I'm so sorry anak.. It was all my fault. Nagpabiktima ako kay J-jude that time." pagpapatuloy nito na mas labis na dahilan ng pagtulo ng luha ko.
J-jude? Si Tito J-jude? Ang stepfather ni Cade?!
Nagulat si Cade sa nasambit ni Tita Yna. Tinanggal niya ang kamay niya sa balikat ko at tumayo.
"H-he raped you?!" bakas sa boses niya ang galit at pag-aalala. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo papunta sa kwarto ko. Tinignan lang ako ni Keith at Jacob na nasa salas at nanunuod.
Narinig ko ang pagwawala ni Cade mula sa kubo. He's now turning into monster. Kahit na patay na si Tito Jude, di na mawawala ang bakas sa mga naiwan niya. Naririnig ko ang pagmamakaawa ni Tita Yna. Sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit ikaw pa Tita Yna? Bakit ikaw pa na ina ng lalaking mahal ko? Bakit ikaw pa?
Wait, WHAT? Ibig sabihin, hindi maari maging kami ni Keith? Why..
Sa sobrang iyak ko, hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising ako at kumuha ng kutsilyo sa kusina at muling bumalik sa kwarto ko, nag-indian seat ako sa kama at akmang puputulin ang pulso ko. I can't take this anymore. I can't.
--
Cade's POV
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagwala na ko. Tumakbo na si Quen papunta sa loob ng bahay. Alam kong sa kwarto ang derecho niya. ANG HIRAP MAGPIGIL. ANG HIRAP MAGPIGIL DAHIL GALIT AKO SA STEPFATHER KO, NGAYON NALAMAN KO PANG KRIMINAL SIYA. Bakit ganun? Ang lakas ng loob niyang pumasok sa pamilya namin na parang wala siyang masamang ginawa sa mama ni Quen??
Me: Bakit ngayon nyo lang sinabi Tita Yna! Bakit.. kung kelan hindi na siya mananagot!
Tita Yna: N-natakot ako Cade.. Nawalan ako ng lakas na magsumbong dahil pinagbabantaan niya akong papatayin niya ako kapag nagsumbong ako..
Me: At nagpatakot naman kayo! TITA, KRIMINAL ANG LALAKING YUN! BINABOY NIYA KAYO! Kung hindi nalang sana siya namatay sa aksidente at ako nalang ang pumatay sa hayop na yun.
Sobrang poot ko sa kanya. Nasuntok ko na ng paulit ulit yung pundasyon ng kubo. Pinipigilan ako ni Tita Yna. Hindi ko na alam. Paano si Quen? Kahit sino naman yatang tao manlulumo kapag nalaman niyang bunga siya ng isang pagkakasala. Naaawa ako sa kanya. Pagkatapos kay Keith, eto? ETO?? Ilang beses ba siya kailangang masaktan.. Pati ako nasasaktan nadin ng sobra.
Sobrang madedepressed nanaman siya nito. Nung kumalma na ako, pinauwi ko na si Tita Yna. Sinabihan ko nalang siyang kumalma nalang sa bahay nila at ilayo si Keith sa aming dalawa ni Quen. I don't wanna see that fuckboy again.
Dumiretso ako sa kwarto ni Quen. Of course, walang nangahas pumasok. Ako lang ang kayang lumapit sa kanya kapag sobrang depressed siya like now.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siya sa sulok. Nakaupo at yakap ang mga tuhod niya. Maga ang mga mata. Nakikita ko nanaman ang babaeng mahal ko na nasasaktan. Gusto ko nanamang magwala, pero kailangan niya ako sa tabi niya ngayon kaysa makita akong nagwawala.
Nilapitan ko siya. Hindi ko napansin, may kutsilyo siya sa tabi niya. Hindi ko yun pinansin. Hinawakan ko ang kamay niya at nireveal ang mukha niya. Tinapon ko yung kutsilyo palayo sa kanya. Hindi siya nagpumiglas.
Me: Quen. It's okay.
Quen: Cade... Why do I have to experience this shits in my life? Of all the people, why me? WHY ME!!
Me: It's okay now. Oo, alam kong sobrang sakit ng mga nararamdaman mo ngayon. Nararamdaman ko din yun lahat. Tama ako sa hinala ko na hindi mapagkakatiwalaan ang stepfather ko. But don't worry, he's gone. Ngayon lantad na ang lahat ng katotohanan. Wala na tayong magagawa. We need to move on.
Quen: Lagi nalang ganito.. Kung di ka pa dumating siguro nahiwa ko na tong pulso ko. Salamat Cade.. Lagi kang andyan para sakin.
Umiiyak padin siya habang yakap ko siya. Matagal bago siya huminto. Pagod lang ang nakapagpahinto ng pagpatak ng mga luha niya. Nakatulog ang mahal kong Reyna. Binuhat ko na siya at dinala sa kama. Medyo gabi narin, tinabihan ko na siya. Ayokong iwan siya lalo na't kailangan na kailangan niya ako ngayon Hinding hindi ko siya iiwan.
Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Para nanaman siyang sanggol kung matulog, walang pag aalinlangan. Medyo maga padin ang mga mata niya. I still can't forget na magkapatid sila ni Keith. At nung naalala ko ang mukha ni Keith, meron silang similarities. Hindi ko na maipagkakailangang magkapatid sila.
8:03 AM
Nagising na ako. Tulog padin si Quen. Napagod siya kakaiyak. Nung pabangon na ako, bigla akong natigilan. Hinawakan ni Quen ang dulo ng shirt ko at hinatak ako pabalik sa kama. Napahiga ako dahil sa lakas ng hatak niya, at coincidence, nagkatapat kami ng mukha. Sobrang lapit. Tinignan ko lang siya sa mga mata niya. Di na gaanong maga kagaya nung kagabi, at nakasmile pa siya.
Me: Goodmorning, Quen.
Quen: Good morning Cade. Salamat, at nandyan ka sa tabi ko. Medyo okay na ako. Salamat.
Me: I'll be always on your side Quen. Hindi kita iiwan.
Oo. Di kita iiwan. Yan ang pangako ko sayo. Nung tinry ko bumangon, pinigilan ako ni Quen. Sinabihan ko na siyang bumangon nadin siya at magluluto pa ng almusal. Hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kanya pero niyakap niya ako.
"Thank you Cade.." mahinang bulong niya sakin.
You're so strong Quen. Isa yan sa mga nagustuhan ko sayo.
YOU ARE READING
No strings attached
Teen FictionA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...
