Chapter six: Chasing stars
Third person's POV
*crash*
Nabangga ang sasakyan na minamaneho ni Jane at ang kasama niyang si Claire. May babangga sana sa kanilang ten wheeler truck kaya iniwas ito ni Jane at binangga na lang ang sasakyan nila sa isang puno.
Everything happens for a reason.
Around, 1:00 AM nakuha ang katawan ni Claire sa sasakyan. Pero si Jane, wala. Hindi pa rin siya nakikita. Sinugod agad sa hospital si Claire, 1:45 AM sinabi ng doctor sa mga kaibigan at pamilya niya na dumating na naapektuhan ang ulo niya pero nagamot na siya ngayon.
--
Claire's POV
Ang ganda ng stars..
Everything went white. At wala akong ibang maramdaman, yung feeling na nakalutang ka at wala kang pakialam sa nangyayari.
Nang biglang nagblack out ang paningin ko..
Nagulat ako sa narinig ko.. pagkabukas ko ng mata ko, wala akong ibang nakita kung hindi black. Everything was black. Para akong bulag na walang makita kung hindi itim lamang. Unti unti kong nararamdaman na may nakayakap sakin.
"Claire..."
Narinig kong banggit niya. Pero hindi ako makakilos, ang bigat ng katawan ko.. Ang sikip ng dibdib ko, hindi ako makahinga. Parang iniipit ako sa isang lugar. —
Then I saw Keith, hugging me and kissing my forehead na parang wala ng bukas. Ang saya na ganito palagi, yung kami lang ni Keith, moment lang naming dalawa.
Tapos naglalakad kami sa kawalan, he was holding my hands. Tumigil siya sa paglalakad and he stare at me.
"Claire.." banggit niya tsaka ako niyakap —
Nagising ako ng nakatingin sakin si Kuya Paulo.
"Claire?" sabay hawak niya sa daliri ko
May benda ako sa ulo at nakadextrose ako. May nakita rin akong iilang sugat sa braso ko.
Ummiyak si Kuya tsaka siya nagsalita.
"Sabi ko naman sainyo ako na lang ang magsusundo pero ano, eto nangyari" hagulhol niya.
Si Ate.. wala siya. At hindi pa siya nahahanap hanggang ngayon.. Kailangan kong mahanap si ate.
Tatanggalin ko sana ang dextrose ko kaso pinigilan ako ni Kuya.
"Hindi. Pwede." diin namang sagot nya sakin
Humiga na lang ako pabalik at umiyak.
Alam kong walang magagawa yung pag-iyak ko, hindi naman mahahanap si ate kapag umiyak ako e.
Sa sobrang pag-iyak ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
---
Matt's POV
2:40 AM ng umaga, tumawag sakin si Paulo. Ang kuya ni Claire.
Paulo: MATT??
Matt: bakit Kuya Paulo?
Paulo:SI CLAIRE!! NAAKSIDENTE KASAMA ATE NIYA! Pumunta kayo sa ospital sa bayan! Tawagan mo si Cade. Kailangan niya kayo ngayon..
Matt:WAIT WHAT? Alright Kuya Pau tatawagan ko na si Cade papupuntahin ko na din siya.
Fuck.
Cade's POV
FUUUUUCK. Eto ba yung masamang feeling na nararamdaman ko kanina?? God please, keep Quen safe...
Dumating na ko sa ospital. Tumakbo na ko papunta sa kwarto kung saan na confine si Quen. Thank God, gasgas at maliit na sugat sa ulo lang natamo niya. Pero the doctor said, may naging epekto ang accident sa ulo ni Quen. Hindi ko alam anong pwede kong gawin, pero at least now she's safe.
"Quen, are you okay? Asan ang Ate Jane mo?"
"Thanks for worrying about me, okay na ako. Pero nag aalala na ko. Hindi mahanap si ate. Dapat ako nalang yung hindi mahanap. Yung nawala."
"Quen!! Wag mo ngang sabihin yan. Walang may gusto sa nangyare okay?? Don't say that." sabi ko naman sa kanya
Nakatingin ako sa kanya at halatang umiyak siya. I didn't know what's the exact reason kung bakit siya umiyak pero ang tumatakbo lang sa isip ko, gusto niyang mahanap si Ate Jane. She loves ate Jane so much.
"Pero.. I need to find Ate Jane.. Di ko matatanggap na mawala siya.." sagot niya sakin but I can see in her eyes na gusto niya ng umiyak.
"You can cry, but not so much. Baka sa kakaiyak mo, hika naman ang umatake sayo" i answered her.
Hindi na niya napigilan at umiyak siya. I know na nag-aalala siya sa ate niya, but we can't do anything about it.
I hope as soon as possible makita na si Ate Jane. Para di na nag-alala si Quen.
Quen, is the type of girl na handang gawin ang lahat para sa mahal niya...
---
Shoutout and dedicated to
Nayz11
YOU ARE READING
No strings attached
Teen FictionA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...
