Chapter 19

26 4 0
                                        

Claire's POV

Anong oras na at di pa rin ako dinadalaw ng antok. Leche ka talaga Cade ang galing mong hindi magpatulog ng tao. Tinignan ko ang phone ko para malaman ang oras. 12:12 AM see? It's because of you Cade. Muling sumilip ang mata ko sa mga kalangitan. Naisip kong lumabas at tumambay sa may duyan mas maganda kasi pag nandun ka at medyo malakas ang hangin. Humiga ako at patuloy na tumitig sa mga bituin.

Naalala ko na naman yung kiss ni Cade. Kinakabahan ako ng matindi. Napakahokage mo talaga! UGH! Why am i like this? Napapikit na lang ako but then I saw Cade's eyes. His dark brown eyes. Sa tuwing nakikita ko 'yun, i feel safe at di na muling masasaktan ni Keith. Nakaramdam ako ng foot steps papalapit sakin kaya napaupo ako sa duyan at nakiramdam. Tama ako may papalapit sakin. Maya-maya lumabas sa di kalayuan si Keith.

Oo, si Keith. Why are you here Keith? Nung papalapit siya sakin di ko maiwasan ang kabahan. Narito na siya sa harap ko at nakatingin sakin. UGH! Kung kailan nakakalimutan na kita unti unti tsaka ka magpapakita? Fuck you Keith!

"Claire.." malamig na sabi niya sakin.

Tumayo ako para harapin siya. Pero wala pang isang iglap, dumating si Cade na nasa gitna naming dalawa ni Keith. Nakatalikod siya sakin at nakaharap naman kay Keith.

"Why are you here Keith?" seryosong tanong ni Cade. Nanatili akong tahimik sa likod niya at nakayuko. UGH! Awkward.

"Gusto ko lang kamustahin si Clai—" he stops Keith from whatever he's saying.

"From now on, tama na ang pagpapaiyak kay Claire. You don't deserve her, tama na sa pagpapaasa sa kanya na magkakagusto ka sa kanya." nagulat ako dahil first time niya lang akong tawaging Claire. That time, alam kong seryoso si Cade sa sinasabi niya.

"Hindi ko naman sinabing umasa s—" pinutol na naman niya si Keith.

"Hindi mo naman sinabing umasa siya pero sana iniisip mo yung mga ginagawa mo, dahil diyan umaasa siyang magiging kayo. Gago ka rin no? Hindi mo ba alam na action speaks louder than voice?" nakayukom na ang kamay ni Cade kaya hinawakan ko ang braso niya.

"Ayoko ng umiyak pa dahil sayo Keith. I don't want to be stupid again from expecting so much from you. Hindi sa lahat ng oras, nandiyan ako at nagpapakatanga sayo. Ngayon, ako naman. I have to think of myself this time." napatitig sakin si Cade at Keith sa mga nasabi ko. This time, it's myself that matters.

Umalis ako at pumasok na sa loob at nagkulong sa kwarto ko. I did it. Nagawa ko rin maging matapang sa harap mo Keith. I just did. Hindi ko na alam kung nandun pa ba silang dalawa. Nahiga na lang ako sa kama ko at pinilit kong matulog.

Minulat ko ang mata ko. At nakarinig ng familiar na mga boses alam kong hindi lang ang squad ang nandito. Lumabas ako at nakita ko si Ate Jane at Kuya kasama nila. B-bakit sila nandito?

"Claire" sambit ni kuya at ate sabay takbo at yakap sakin. Matapos ang nangyari kagabi, eto naman ngayon.

"B-bakit sila nandito?" nauutal kong tanong sa squad na nakatingin lang sa aming tatlo. Lumabas si Cade sa may front door at nakalagay sa bulsa ang isang kamay niya.

"Sinundan nila si Keith.." sambit naman niya at naupo sa tabi ni Matt. Fuck you Keith. Fuck you.

"P-pero pano nalaman ni Keith?" tanong ko, nagkibit balikat lang si Cade at Jacob nang tumama ang mata ko sa kanila.

How did he know— nagpop-up sa utak ko 'yung panahon na nalasing ako noon.

[THROWBACK]
Nahihilo ang paningin ko at alam kong si Keith ang kasama ko. Yayayain ko sana si Cade kaso busy siya kaya di ko na siya inabala. Nag-iinuman kami sa bahay nila at masayang nagkukwentuhan. Alam kong may tama na ako pero patuloy pa din ako sa pag-inom, hindi ako pinipigilan ni Keith kaya mas lalo akong natutuwa.

"Alam mo ba na may secret house ako? hihiz" natatawa kong sambit sa kanya. I'm really into you Keith.

"Doon sa malapit na farm, may bahay ako dun. Yung sinabi ko sayo na binili ni lola noon hehehez" turo ko kung saang direksyon ang farm.

I'm so inlove with you, and i hope you'd know.

That time.. hindi ko inisip na iba ang gusto niya. Ang naiisip ko lang na masaya kami — ayy ako lang pala, hindi pala sya masaya kapag kaming dalawang yung magkasama..

[END]

Oh, shit. Bakit ko pa kasi nasabi sa kanya yun eh! Okay i hate myself. Dahan dahan kong inilayo si ate at kuya sakin at nagkulong muli sa kwarto ko. Why of all people, why them? I trust them so much.

Umiyak ako ng umiyak. Patuloy nila akong kinakatok sa pinto.

"Quen, please let them explain first." sabi ni Cade habang pinagpatuloy ang pagkatok.

Umiiyak pa din ako ng umiiyak at dahil sa sobrang iyak ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng hindi kumakain. Gabi na ako nagising at bumungad sa akin si Cade na nasa dining area at hawak hawak ang isang tasa.

"Hey! You skipped breakfast and lunch. So, let's eat dinner together." sabi naman sakin ni Cade with his wide smile.

Why are you smiling idiot?

Hindi ko siya pinansin at umupo na lang ako sa katapat niyang seat. Tumayo naman siya para maghanda ng kakainin namin. Nagsimula na kaming kumain at nabalot ng katahimikan ang bahay.

After niyang kumain, nakatingin lang siya sakin.

"A-asan nga pala yung iba? Kumain na ba si—" he stops me and gave me his wide smile.

"Tapos na." sagot naman niya tsaka muling ngumiti sakin.

Ano bang meron bat parang nababaliw na naman siya. Fuck he's so weird.

Natapos na akong kumain at siya na ang nagligpit at naghugas nun. Bumalik siya sa kinauupuan niya at muling tumitig sakin. Tumayo ako at aktong babalik na sa kwarto, nang bigla siyang tumayo at hawakan ang kamay ko. Hinila niya ako na dahilan ng pagkalapit ko sa kanya. Sa sobrang lapit, I feel his heart beating so fast. Nagtitigan kami tsaka siya nagsalita.

"You are my favorite drug, and i'm willing to be overdosed by you." seryosong sabi naman ni Cade habang nakatitig sakin.

Lumayo ako sa kanya at ngayon nakatayo kaming parehas at magkaharap sa isa't isa.

"I have something to tell Quen." nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa kanya.

"After the first time na nameet kita, hindi na kita makalimutan. Kahit saan ako tumingin, ikaw ang nakikita ko Quen. Masakit na iba ang mahal mo, pero bestfriend mo lang naman ako and I can't do anything about that. Now, it's my chance to say what I really feel." seryosong sabi niya sakin at nilagay sa bulsa niya ang isang kamay niya.

"D-do you like me?" nauutal kong tanong sakanya

Alam ko, kasi pangalawang beses niya na 'tong sinabi sakin. Pero hindi pa rin ako makapaniwala.

"I don't like you Queana, I love you and i will always did." sagot naman niya

Why me Cade? I'm your bestfriend. Why me? Wala akong katangian ng dream girl mo, at sigurado akong hindi magiging ako 'yun.

"Alam kong maraming katanungan diyan sa isip mo, pero diba kapag love ang nagdikta hindi ka na makakawala. Hahamakin mo ang lahat. Now, Queana. Always remember that I love you and I will always be your knight beside your throne my Queen." dagdag naman niya at ngumiti sakin.

Alam kong sinasabi niya lang yan kasi sobra akong nasasaktan ngayon. Pero, it makes me smile. Ngumiti ako bilang sagot sa kanya tsaka pumasok sa kwarto ko. Hindi umalis sa mukha ko ang ngiti sa mga labi ko. Damn Cade bat ganito ang effect mo sakin?

Tumunog ang phone ko at nagpop-up ang pangalan ni Cade. May message siya.

"Goodnight and rest well my Queen.."

Napangiti ako sa message niya. Magkasama lang naman kami sa iisang bahay bakit nagtext pa siya?

"Queen your face Cade." reply ko naman sa kanya pero nanatili akong nakangiti.

Why are you smiling Queana Claire? Damn Cade nababaliw ako sa mga ginagawa mo.

Nababaliw ako, pero gusto kong ituloy mo lang. Damn! He's driving me crazy.

No strings attachedWhere stories live. Discover now