Chapter 32
Claire's POV
Niyaya ko si Cade kumain sa kung saan saan at game naman siya. Nagihaw kami, nagkape kami dito sa may malapit na mall, kumain kami ng kumain not knowing na malapit na mag 10. After namin kumain, niyaya ko siyang mag arcade game na game naman siya pagdating sa mga ganito eh. Nagbasketball kami sa arcade tas naglaro kami dun sa may claw machine banda yung sa mga stuff toys, hindi naman sa pagmamayabang pero nakakuha ako ng tatlo HAHAHA binigay ko sa kanya yung dalawa at sa akin yung isa. Ayaw niya kasing masyadong maraming stuff toys sa kwarto ko, may hika kasi ako.
Me: Oh ayan na, dalawa na sayo ah daya mo ako kumuha niyan eh!
Cade: No, bawal sayo ang maraming stuff toys okay?
Me: Oo na nga ehh!
Tumunog yung tyan ko sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.
Me: Hehez tara kain tayo dun sa barbecuehan malapit samin magsasara na tong mall.
Hinila ko si Cade at nagpunta na kami dun sa may barbecuehan. After naming kumain, inihatid na niya ako sa bahay, pagkasakay lo ng kotse niya may nagtext sakin.
Fr: **********
"Nag-enjoy ka ba baby? It's your last day to be with him, sulitin mo na."
Dinelete ko na ito agad at nginitian si Cade. Nung nakarating na kami sa bahay, hindi na daw siya papasok. Niyakap ako ni Cade at nilapit ang bibig niya sa tenga ko.
"Thank you for today Quen"
Tsaka siya umalis at umuwi na. This is the last Cade... I'm sorry.
Pumasok na ko sa bahay at naabutan si Kuya Pau na nakaupo at iniintay ako.
"Nakapagpaalam ka ba?"
"It was a beautiful goodbye kuya"
Ngumiti ako at pumunta muna sa kwarto ko saglit. Nakita ko yung gamit ko na nakamaleta na, inayos ko 'to bago kami umalis ni Cade. Hays. Kumatok si Kuya sa kwarto at yun na ang simula ng pagbigat ng pakiramdam ko.
"Tara na" aya naman ni Kuya sakin. Ngumiti ako at dinala na yung isa kong bag at si Kuya naman ang may dala ng maleta ko.
1:30 am ang flight ko. 12:25 na at medyo malayo layo pa ang byahe. Hawak hawak ko yung stuff toy na gaya nung binigay ko kanina lang kay Cade. Nasa airport na kami at papasok na ko sa immigration. Nagtext si Kuya sa akin.
"Ingat bunso. Alam kong may dahilan ang lahat ng ito, I trust you. Mag-iingat ka lalagi bunso." a short simple text from him. Hays. Sana tama 'tong ginawa ko, sana di na sila guluhin. Subukan nilang galawin ang pamilya ko, ako ang makakaharap nila. Hays. Ang sarap sa pakiramdam na gumawa ka ng tama pero bakit ganito 'yung pakiramdam ko? Bakit ang bigat? B-bakit parang may mali?
Papasok na ako sa eroplano ngayon at nasa tabi ako ng bintana.. Tinignan ko yung stuff toy.
"Until next time Cade"
Tsaka ko ito tinago at inilagay sa bag na chineck-in ko as hand carry.
--
Cade's POV
Me: Thank you for today, Quen.
Salamat Quen. Sobrang napasaya mo ako today. May pabaon ka pa saken pauwi na dalawang stuff toys. This is why I like you. Lagi mo akong napapasaya, kahit sa maliit na bagay lang. Ikaw ang reason sa mga ngiti ko, the reason why I always look forward for tomorrow.
Dumating na ko ng bahay. Derecho na ako sa kwarto ko para matulog. Pero dahil sa mga nangyare today, ang hirap makatulog. Lalo na' nakapagbonding tayo. Ayoko na mag end yung ganito.
*toooot tooot tooot*
Tumunog na yung alarm ko na siyang hudyat ng paggising ko. Kinuha ko kaagad yung phone ko para itext ka ng good morning. Isang oras na ang nakalipas simula nung nagtext ako pero wala pading reply galing sayo.
Baka tulog pa. Naghintay ulit ako ng ilang pang oras pero wala paring akong natatanggap na text mula sayo. Nag-aalala na ako. Tinawagan ko yung phone mo, pero out of coverage ka. Nagsimula na akong mag-alala ng sobra kay Quen
Pumunta ako ng bahay ni Quen ngunit si Kuya Paulo ang nagbukas ng pinto at hindi ikaw. Pinaliwanag sakin lahat ni Kuya Paulo. Umalis ka daw kagabi paalis ng ibang bansa. Pero hindi niya alam ang reason. Quen, why? Why did you left me with no reason? Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Bakit kaba umalis? Quen!!
Umuwi ako ng bahay na tumutulo ang luha. Hindi ko pa din alam kung nasaan ka Quen. Tinanong ko na lahat ng kakilala nating dalawa, pero wala silang alam about sayo.
Lumipas ang ilang araw pero wala pa din akong balita sayo. Nag-aalala na ako. Pati ang mga kaibigan natin.
*phone rings*
Matt: Hello Cade? Pwede ba tayong magkita ng squad?
Me: I don't know. Pero tatry kong pumunta.
Matt: It's okay Cade. Malalaman din natin kung nasaan si Claire.
Me: Sana talaga Matt. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nawawalan na ako ng pag asa na mahanap siya.
Nawawalan na ng pag-asa. Hindi umaalis si Quen ng hindi nagpapaalam saken. Bakit ka aalis ng biglaan at walang paalam.
Days, weeks and months passed by pero wala parin kaming balita kay Quen. Hindi ko na alam kung okay kalang ba. Nagpunta ako sa restaurant na kitaan namin ng squad, and as usual kaming dalawa ni Matt pa lang ang nandito.
Matt: Yo bro, ok ka lang ba?
Me: I'm fine bro, bakit mo naisipan na magmeet-up tayo?
Matt: Pinapunta ko rin dito si Pau para masagot 'yung tanong natin.
Me: Sana nga malinawan na tayong lahat e.
Dumating yung iba at huling dumating si Paulo.
Matt: So, Pau. Anong sabi sayo ni Claire bago siya umalis?
Pau: Gusto niya lang mapag-isa she didn't say anything or any reason kung bakit pero nagulat din ako nun. Pero may iniwan siyang letter para sainyo. Hindi ko pa binabasa kasi gusto kong kayo ang makabasa nito.
Inabot niya sa amin 'yung letter at binuksan ito ni Matt.
"I have to do this, dahil ayaw kong malaman niyo yung binabalak nila kay Cade. I have to do this for you guys. Wag na kayong mag-alala dahil okay lang ako dito. Take care as always guys!" -Claire.
What the fuck. So, kami ang dahilan ng pag-alis niya?
Pau: Cade, nung mga panahong nasa ospital ka. May nagbanta kay Claire na kung hindi ka lalayuan papatayin ka nila. Sabi rin ni Claire sakin idadamay nila ang buong squad at ang pamilya nya kapag mas lalo siyang napalapit sainyo.
Kung sino man ang gumawa nito sayo Quen, magbabayad sila. Quen, you need to comeback.. I can't live without you. I can't...
YOU ARE READING
No strings attached
Teen FictionA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...
