Chapter 33

15 1 0
                                        

Cade's POV

Hinanap ko si Keith dahil alam kong isa siya sa gumawa nun kay Quen. Tangina niya, hindi niya ba talaga titigilan ang papanakit kay Quen?! Nakita ko si Keith sa may court malapit sa bahay nila. Hinawakan ko yung kwelyo ng damit niya.

Me: Tangina mo rin no?! DIBA SABI KO SAYO TIGILAN MO NA YUNG PANANAKIT MO KAY QUEN! DI KA BA TITIGIL HA?
Keith: Wala akong ginagawa kay Claire, let me go and i will tell you what happened.

Binitawan ko siya at nagpunta kami sa lugar kung saan kami lang dalawa ang makakarinig ng pinag-uusapan namin.

Keith: Si Trisha ang may gawa ng lahat ng ito.
Me: What do you mean?
Keith: Si Trisha ang nasa likod ng lahat ng nangyari kay Claire. Tinatakot niya si Claire para mapunta siya sayo.

Habang nagsasalita si Keith napansin ko yung sugat sa labi niya. Hindi naman dry ang lips niya.

Keith: Gusto ka ni Trisha at aagawin ka niya kay Claire.
Me: Hinding hindi niya ako maagaw kay Quen.
Keith: Cade. Kung ano man ang binabalak mo, mag-iingat ka.

Umalis na ako para hanapin si Trisha pero wala ito sa bahay nila. Tanging si Zyrus lang ang nandun. At may sugat din ang labi niya gaya ng kay Keith.

What was that?

Zyrus: Wala si Trisha dito. Umalis siya.

Hindi ko na siya pinatapos at agad na akong umalis. Sinaktan mo si Quen at hinding hindi kita mapapatawad Trisha Sandoval.

***
Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung umalis si Quen. Wala pa din kaming balita sa kanya. Alam kong nasa maayos na lugar siya, pero hindi ko pa din maiiwasan ang mag-alala. Nagpasya akong magpunta sa mall mag-isa para makapag-isip isip muna. Hays. Namimiss ko na si Quen. Quen, please comeback.

Pagbaba ko sa kotse ko dumeretso na 'ko sa favorite coffee shop namin ni Quen, hays. NAMIMISS NA KITA QUEN. Sa may labas ng coffee shop may table at doon ako nakapwesto. Umiinom ako ng kapeng inorder ko ng may babaeng umupo sa tapat ko.

"Bakit ka nag-iisa Mr. Arturo?"

Boses pa lang niya, alam ko ng siya yun. Tinanggal niya ang shades niya at kinindatan ako.

"What do you want Trisha?" sagot ko naman sa kanya.

Naramdaman ko ang paa niya na hinihimas himas ang paa ko. Tinapakan ko ito at tumayo sa kinauupuan ko, fuck you Trisha Sandoval. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Hindi mo ko malalandi Trisha. Wag ako."

May pagbabayaran ka pa sakin dahil sa pananakit mo kay Quen. Pinakalma ko ang sarili ko at umalis na dahil baka makalimutan kong babae siya. Tumingin ako sa isang shop kung saan nagpapasama noon si Quen, hays. Naalala ko na naman siya, namimiss ko na siya. Habang tumitingin ako ng damit lumapit ang isang saleslady sakin.

"Para sa girlfriend nyo po ba sir?"

Napako ako sa kinatatayuan ko. Sana nga, kung matagal na 'kong gumawa ng way edi sana kami na. Sana hindi ako naging duwag noon. Edi sana, girlfriend ko na si Quen.

"Sir?" bumalik ako sa realidad nung tinawag ako ulit nung saleslady.

"Oo, para sa girlfriend ko." sagot ko sa kanya habang nakangiti. Inabot ko sa kaniya 'yung napili kong damit, simple sweatshirt lang to with nakapeace na sign ng girl habang nakatalikod alam kong mahaba sa mga braso ni Quen 'to pero cute niya kasi kapag nagsusuot ng ganito. She's so damn attractive in many ways.

Binayaran ko na at umalis na 'ko. Nagpunta na 'ko sa car park, ang lakas at ang lamig ng hangin. Namimiss na kita Quen. Habang nakastop ang traffic light, napatingin ako sa isang stuff toys na binigay sakin ni Quen, nasa kwarto ko kasi yung isa. Hays. I fucking miss you Quen.

Pag-uwi ko sa bahay, naabutan kong nanonood ng tv si mama.

"May balita na ba sa kanya?"

Alam ko kung sino 'yung tinutukoy niya, si Quen. Nagkukwento kasi ako kay mama at alam niya ang nararamdaman ko para kay Quen.

"Wala pa ma" naupo ako sa tabi niya at yumuko.

"Nasa mabuting kalagayan naman siguro si Claire anak, wag kana masyadong mag-alala." sagot naman niya sakin.

"Sana nga ma, at sana di na siya umiiyak pa."

"Anak, lahat ng nangyayari ngayon may dahilan, siguro may valid reason si Claire kaya umalis siya at hindi nagpaalam sainyo."

"May idea ka ba ma?"

"Wala anak, pero babae rin ako at nararamdaman ko si Claire kung gaano kahirap ang sitwasyon niya." kalmadong sagot naman sakin ni mama

Nung umamin ako kay mama yung nararamdaman ko para kay Quen, hindi siya nagalit sakin. Madalas kasi nagagalit siya kasi puro na lang daw babae inaatupag ko, pero nung sinabi kong si Quen 'yung babaeng gusto ko. Hindi siya umangal, tuwang-tuwa pa siya. Gustong-gusto ni mama si Quen dahil sa pagiging simple nito at walang arte sa katawan. Matagal na rin kasing kilala ni mama si Quen.

[THROWBACK]
Umuwi ako ng mag-aalauna na ng umaga, galing kasi ako sa park malapit kanila Quen hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko kaya alam kong may mali. Umiiyak siya nun pagdating ko, umiiyak siya dahil na naman kay Keith.

"Bat ngayon ka lang Cade?" bungad sakin ni mama na nanunuod ng kdrama.

"Nambabae ka na naman ba?"

Natawa ako sa sagot ni mama.

"Galing ako kanila Quen, umiiyak kasi siya ma. Sinamahan ko lang."

"Bakit? By group ba dapat kapag iiyak siya?" Galing talaga mang-bars ng nanay ko.

"Oh baka naman. Gusto mo siya?" natigilan ako sa sinabi ni mama. Alam niya? Oh baka nakahalata siya?

"Halata na kita Mr. Cade Arthur Perez. Anak kita at kilala kita. Alam kong mahal mo si Claire." yung pangbabars niya napalitan ng mahinahong boses.

"Oo na ma, mahal na mahal ko bestfriend ko." Sinapak ako ng mga salitang binaggit ko. B.E.S.T.F.R.I.E.N.D ko lang siya.

"Gusto ko siya anak." Napangiti ako sa sinabi ni mama at nagpaalam na magpapahinga.

[End]

Nagpaalam na ako na aakyat sa kwarto ko para makapagpahinga. Kinuha ko ang isa pang stuff toys na bigay ni Quen sakin, nakahiga na kasi ako at nasa may table sa tabi ng kama ko ito banda kaya nahirapan ako sa pag-abot, maabot ko na sana ng nasanggi lng ito at nahulog sa sahig kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko. P-parang may mali ata. Hinayaan ko na lang ito at niyakap yung stuff toy.

Namimiss na kita Quen.
Sana nasa mabuting kalagayan ka at hindi na umiiyak pa..

No strings attachedWhere stories live. Discover now