Chapter two: Sleep over.
Nakatulala. Nakatitig. Nakatingin sa taong mahal ko na hawak hawak ng iba.
Ang sakit. Ang sakit sakit. Ang sakit makitang masaya yung taong mahal mo sa piling ng iba..
Parang ako mismo yung sumasaksak sa sarili kong puso.. Bakit ba ganito? Bat mo hinahayaang saktan mo yung sarili mo Claire?!
Bumalik ako sa reality nung tinapik niya ako.
"Hi" maikling bati niya sakin
"Hello din" sagot ko naman
"Kamusta bakasyon mo Claire?" tanong naman niya sakin
"Ok lang naman Keith." sagot ko naman sa kanya
"Nag-enjoy kaba dun?" sabat naman ni Trisha sa usapan namin. Yes, siya. Si Trisha, ang bestfriend ko dati. Siya yung mahal ng taong mahal ko.
Trisha Mae Sandoval.. loved by Keith Bryan Cruz my first love..
"Oo naman Trisha" maikling sagot ko naman
"Sige tara hanap ko kayo ng upuan para makakain na kayo" dagdagan ko naman with a very wide smile.
Nung nakahanap na kami ng pwesto para sa kanila, umalis nako at nagpalaam para asikasuhin naman sila kuya.
"Sige mauuna muna ako" paalam ko sa kanilang dalawa
Habang naglalakad ako at nakatalikod sa kanila. Pinipilit kong wag tumulo yung luha ko. Nagpaalam ako kanila kuya at papa na doon muna sa kubo tatambay. Yung sa my seaside banda.
Pumayag naman sila kaya dali dali akong tumakbo papunta doon.
Nang makarating ako dito sa kubo.. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Medyo may kalayuan naman ito doon sa maraming tao kaya hindi naman nila ako makikita. Pinupunasan ko ang luha ko ng may naririnig akong yapak na papalapit sakin.. Siya kaya yun? Sinundan nya ba ako? Iniwan ba niya si Trisha para sakin?
"Quen.." bulong niya
Sa boses pa lang niya, alam ko kung sino yun kaya lumingon ako. Natatanging siya lang ang tumatawag sakin niyan.
"Cade.. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya
"Quen, okay ka lang ba?" tanong naman niya sakin
Pinilit kong ngumiti tsaka ko siya sinagot.
"Okay lang ako Cade." sagot ko naman sa kanya at ngumiting muli.
"No you're not. Nakita ng dalawang mata ko yung kinilos mo simula ng dumating sila." sabi naman ni Cade na hindi ko napigilang tumalikod sa kanya at humarap sa may dagat banda
"Okay lang ako Cade, i'm fine." sagot ko sa kanya
Naramdaman ko yung dalawang kamay nya na hawak hawak yung kanang kamay ko.
"I know you're not fine. I want to hug you right now pero alam kong bawal. Nararamdaman ko kung gaano kasakit yang nararamdaman mo ngayon. But please.. Don't hurt yourself again because of him." kalmadong sagot naman ni Cade sakin
I know Cade. Cade Arthur Perez
My bestfriend. Until now, i knew him since first year highschool. I knew his first heartbreak. I know all about him.
"Salamat Cade. Lagi na lang ikaw yung nandyan kapag umiiyak ako." sagot ko naman sa kanya tsaka dahan dahang inalis yung kamay ko.
"Akala ko nakalimutan ko na siya.. hindi pa pala." dagdag ko
YOU ARE READING
No strings attached
Teen FictionA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...
