Cade's POV
Morning. I don't feel alive at all. Nagising na ko't lahat lahat, hindi padin kita nahahanap. Quen, asaan kana ba? I'm so fucking worried you know? Sana nagsabi ka man lang kung nasaan ka.. Namimiss na kita.
Pinilit kong bumangon sa higaan kahit ang hirap na. Dahil hindi ko alam kung nasaan ka. Dahil wala akong koneksyon sayo ngayon. Gabi gabi na akong hirap matulog. Umaasang habang gising pa ang diwa ay bigla kang magbalik sakin. Kung hindi dahil diyan kay Trisha, hindi kana sana umalis. I'll bring you back. Hahanap padin ako ng paraan, lugar, o lead na makakapagturo sayo.
Paulit ulit kong pinupuntahan ang mga paborito nating lugar. Palagi kong inaalala ang mga alaalang iniwan mo sakin. Masaya ako sa piling mo ngunit kasabay din ng pagiging malungkot sanhi ng paulit ulit mong pag iyak sa lalaking hindi ka binigyan ng atensyon. Yung lalaking walang ibang ginawa kundi paiyakin ka. Yung lalaking gago na walamg iba tinignan kundi ang ibang babae samantalang ikaw etong nakatitig sa kanya. But now, HINDI KO HAHAYAANG MAY MANAKIT SAYO BASTA BASTA QUEN. I WILL BE YOUR SUPERMAN.
Muli kong binalikan ang huling mga lugar na pinuntahan natin bago ka umalis. Sa mall na kung saan kumain tayo. Sa arcade na saksi sa mga idinulot mong ngiti saking mukha, ang mga huling sandali. Unti unti, namuo ang mga luha ng kawalan ng pag-asa. Pinilit kong laksan ang loob ko. Sinabi sa sarili na babalik ka.
Binista ko ang pribado mong bahay sa gubat. Bumalik ang mga alaalang nandito. Ang mga harutan, asaran. Ang mga ngiting noon ko lang nakita sa iyong mukha. Ang mga nakaw na halik sayo. Naaalala ko lahat Quen. Habang ako'y narito sa duyan at inaalala ka, muling bumalik sa aking isipan ang isang alaalang hindi ko makakalimutan.
[THROWBACK]
Naglalakad ako sa kawalan dahil nawawalan na ako ng pag-asang hanapin si Quen. Umalis siya sa ospital ng wala man lang pasabi. Hays. Nakarating ako sa tabi ng dagat, napaupo ako sa may bench dun. Dapit-hapon na at masisilayan ko ang paglubog ng araw. Nung yumuko ako para ayusin ang sintas ng sapatos ko, I saw something.
Nakita ko ang isang picture ng isang baby. I think, it's a baby girl dahil sa mukha nito. Medyo kumukupas na ang kulay nito at nagfefade na rin ang pinaka picture. Tinignan ko ang likod ng picture at may nakita akong nakasulat doon.
"A"
Sino kayang may may-ari nito?
Tinago ko na lang ito at baka sakaling mahanap ko ang nagmamay-ari ng picture na ito. Pero hanggang sa kasalukuyan, wala pa rin. Hays. Magpapatulong na lang ako kay Quen, kapag nahanap na siya. Daming sources nun eh.
[End]
Naalala kong nasa wallet ko ang picture ng batang 'yun eh. Tinignan ko ito.
"Kung sino ka man, sana maibalik ko na to sayo. I think you looks cute in personal."
Muli kong nilisan ang bahay na iyon. Nagbabakasakaling nasa harap ka ng aking bahay at doon ka naghihintay. Naghihintay sa pagbabalik ko. Isang sorpresa na tiyak kong ikatutuwa. Ngunit di tulad ng inaasahan ko. Wala ka padin. Pumasok na ko sa bahay at dumiretso sa aking kwarto. Muling tumulo ang mga luha ng pagkalumbay.
Narinig ko sa isipan ko ang mga sinabi ko sayo. Ang mga sinabi mo sa akin. Sinabi mong hindi ka aalis kahit na anong mangyare, ngunit hindi mo yun tinupad. At dahil din sakin. Dahil sa banta sa akin. Nais kitang muling masilayan Quen. Abutin man ako ng huling hininga ko, hanggang sa huling araw ng aking buhay.
Muling sumikat ang araw, senyales na isang araw nanaman ang haharapin ko ng wala ka. Pinilit kong bumangon sa kama, kahit nakakasawa na. Sinasanay ko ngayon ang sarili ko na huminga kahit wala ka. Ngunit hindi padin nawala sakin na umasa na muling masilayan ka.
Pinuntahan ko si Trisha, umaasang alam niya kung nasaan ka. Sinubukan ko siyang pilitin na sabihin ngunit hindi niya din alam. Walang nakakaalam.
Totoo ba talagang wala kang alam Trisha?
Umuwi nalang ako. Nagkulong sa apat na sulok ng kwarto.
Lumipas ang tatlong araw, hindi ko padin nililisan ang kwarto. Ni kumain o uminom man lang. Unti unti akong nilalamon ng kalungkutan. Unti unti akong nagbago. I am fucking lost because of you, Quen. Ikaw lang yung babaeng tignan ko pa lang, mabubuo na yung araw ko kahit gaano pa ako kapagod.
You are my sunshine, my brightest star and my biggest blessing.
Kinuha ko 'yung stuff toy na bigay sakin ni Quen, I smiled but hindi ka naman darating kapag niyakap ko 'to eh but still I hugged it. I cried all night. Alam kong kahinaan 'yun pero wala akong magagawa. Si Quen ang kahinaan ko.. siya yung taong kaya akong paluhurin at kaya akong paangatin without saying any words.
"I'm sorry, if i say i need you.."
"Cuz when i'm not with you, I'm weaker."
Is that so wrong that you make me strong? Hays. Nalaman ko lang kay Quen ang kantang 'yan. Ngayon, nararamdaman ko na. Hays. Quen. I really miss you. Sana bumalik kana.
Kinuha ko ang gitara ko at nagsimula na sa pagtugtog.
"I remember the time we spend together.."
"I wish you were here with me, tonight."
"And every night I miss you, I can just look up.."
Mga linya ng kantang gusto kong sabihin sayo ngayon. Pero... wala ka.
I need your loving hands to come and pick me up.
Pinilit buksan ng aking ina ang pintuan. Nabigla sa nakita. Halos maiyak na nung makita ang maputla kong mukha hawak hawak ang aking gitara. Pinilit akong magbihis, maligo, kumain. Ngunit wala akong gana. Nakatulala. Namumutla. Kulang nalang ata ay hindi ako kumurap para masiguradong makikita ko agad si Quen kapag nagbalik na siya. Pumasok ako sa banyo para maligo. Nakatingin sa malayo. Ilang oras pang lumipas bago ako tuluyang lumabas ng banyo. Lumamig na ang pagkain inihain sakin ng aking ina.
Muli, inalala ka at sinabing,
"Quen, namimiss na kita."
Tumingin ako sa phone ko kung saan si Quen ang wallpaper ko.
"Birthday mo na bukas.. pero wala ka dito, hindi tayo makakapagcelebrate.."
Pagkatapos kong kumain biglang nagring ang phone ko at nakitang tumatawag si Matt.
*on the phone*
Matt: Pre?
Me: bakit?
Matt: Alam ko na kung nasaan si Claire.
Me: NASAN?!
Matt: Nandun sa ibang bansa kung saan siya pinanganak.
Me: T-Talaga pre?! Okay lang ba siya dun? Sinong kasama niya?!
Matt: Si Ed kasama niya pre. Kinontact niya ako kasi birthday niya bukas pre.
Me: Oo pre birthday niya bukas bat ka nga pala niya kinontact?
Matt: Magkita tayo sa spot natin. K. Bye
*call ended*
Dali dali akong nagpunta sa coffee shop para kitain si Matt.
Sana sa pagkakataon na ito, makita kitang muli Quen.. miss na miss na kita.
YOU ARE READING
No strings attached
Teen FictionA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...
