Kabanata 41: Change

1K 41 2
                                    

Lemuel Pov.

Nilibot ko ang buong school pero hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita. Alam ko hindi lang basta-basta guni guni o imahinasyon lang..

Talagang nakita ko siya kanina.. Hindi ako nagkakamali.. Shit! Lizzy... Nasan ka na ba?

Napatigil ako sa paghahanap ng makita ko ang mga kaibigan niya. Napabuntong-hininga ako at walang pan alinlangan na lumapit sa kanila.

Naabutan ko silang nagtatawanan. Huminga ako ng malalim.

"Uhmm--"

"Grabe nakita mo talaga 'yung mukha niya! Matatawa ka talaga!"

"Epic!"

Sabay-sabay sila nagtawanan kaya hindi ko magawang makisingit sakanilang tatlo. Napangunahan ako ng hiya habang tinitignan silang nagtatawanan.

Napakamot ako sa batok at naglakas loob na kausapin nalang muna si Glennie tutal siya palang ang ka close ko sa kanilang tatlo.

"Glennie."

Tumigil sila sa tawanan at tumingin sa'kin. Nagulat sila ng makita ko. Tumingin sila sa isa't-isa na para bang nag uusap sila sa pamamagitan ng titigan nila sa isa't-isa. Seryosong tumungin sa'kin si Glennie.

"Bakit may problema ba?"

"Uhmm.. Kasama nyo ba si Lizzy.. I mean.. Nakita nyo siya?"

"Hindi--"

"What?" Bulalas ni Laarni. Napabaling ako sakanya. Masama ang tingin na pinupukol niya sa'kin. Napalunok ako ng lumapit siya sa'kin at agad ako tinulak.

Napaatras ako ng konti.

"Ang kapal ng mukha mo magtanong! E, ikaw ang dahilan kung bakit ilang araw na siyang hindi pumasok... Kung hindi ka paasa at b--"

"Laarni, tama na.." Malungkot na sambit ni Sarah. Bumaling ako sakanya. Malungkot ang kanyang mata ng tumingin sa'kin. Naiintindihan ko naman kung bakit sila nagagalit..

Kasalanan ko... Kasalanan ko lahat.. Kung hindi sana ako nakigulo o nangialam.. Hindi sana ganito.. Hindi sana..

"Ilang araw ng absent si Lizzy, Lemuel.. Bakit mo ba siya?" Untag ni Sarah.

"Oo e... Nakita ko siya kanina pero bigla siya nawala kaya sinubukan ko hanapin sa buong school.."

Kumunot ang noo ni Glennie sa sinabi ko. Napatungo si Sarah habang tinititigan si Laarni na hanggang ngayon masama parin ang tingin sa'kin. Hindi ko naman siya masisisi....

"Ah.. Sige alis na ako baka hinahanap narin ako sa music room.."

"Tsk.. Mabuti pa nga.." Bulong ni Laarni pero sapat para marinig ko. Pilit ako ngumiti sakanila tsaka tinalikuran. Napapikit ako ng mariin habang papalayo sakanila.

Galit ang mga kaibigan ni Lizzy sa'kin.. Kaya sana maayos ko na ang gulong ginagawa ko.

Napahilamos ako sa mukha. Paano ko ba itatama ang lahat?

Hindi ko parin nakita si Lizzy kahit nakabalik na ako sa music room. Nagalala na ako sakanya.. Ano na ba nangyari sakanya? Bakit hindi na siya nagpaparamdam? Pati kaibigan niya wala rin kaalam alam kung ano nangyari sakanya.

Kaming lahat wala ng balita tungkol sakanya..

"Ready na ba ang lahat?"

Tumungo kaming lahat sa tanong ni Ma'am Aquino. Sa araw na 'to at ayon sa naging plano ng mga guro, ngayon kami tutungo sa dagupan. Nakita ko din na may dalawang bus sa harapan ng simbahan bago ako pumunta sa school.

Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon