Kabanata 26: Reality

1.5K 88 9
                                    

Lizzy Pov.

"Salamat.."

Hindi ko alam kung ang salitang  salamat ba talaga ang dapat ko  sabihin sa kanya.. Hay.. Basta!

Napakagat labi ko ng mapansin kong hindi siya umimik sa sinabi ko. Gusto ko sana tignan ang ekspresyon niya ang kaso-.. Hay basta!

Nandito kami sa loob ng simbahan..

Bakit kamo?

Para daw maniwala ako sa mga sasabihin niya.. Ang labo niya ano?

Sa totoo lang nahihiya ako sakanya dahil nabasa yung polo niya sa kakaiyak ko. Masyado kasi akong madrama! Wala e... Ang sakit kasi magising sa katotoohan pero hindi ko talaga maiwasan magtaka kung bakit sobrang bait niya sa'kin tsaka palagi siya dumadating sa tuwing kailangan ko ng tulong..

"Hindi ka ba nagtataka?"

Napasighap ako ng bigla siya umimik at dali-dali ko umayos sa pagkakaupo. Kumunot ang noo ko.

"Huh? Ano ibig mong sabihin?"takang tanong ko sakanya habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Napabuntong-hininga ako at napa-isip.

Kung crush ko pa kaya siya... Magiging masaya ba ako?

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit palagi ako nasa tabi mo?"sambit niya.. Napasinghap ako ng tumingin siya sa'kin at marahan ako tinitigan
Tumingin ako sa ibang direksyon..

Sa totoo lang nagtataka naman ako pero ang pagkakaalam ko sinabi niya sakin nung humingi siya ng sorry dahil gusto niya lang daw bumawi sa pananakit sa'kin at bukod dun wala na ako maisip na dahilan niya..



Napayuko ako." Hindi ko alam. Baka naman nagkataon lang ang lahat.."bulong ko pero may katamtaman lakas upang marinig niya.


Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya." Hindi.. Hindi nagkataon ang lahat.."narinig ko sambit niya.. Kumunot noo ko. Kung hindi naman nagkataon ang lahat? Ano dahilan?

"Bakit mo naman nasabi?"

"Palagi kita pinagmamasdan at binabantayan.."

Bumilis ang tibok ng puso ko at sa pagkakataon ito hindi ko maiwasan mapatingin sakanya at yun nalang ang gulat ko ng nakatitig parin siya hanggang ngayon.




Matagal ako nakipag-titigan sakanya..

"Nakikipagbiruhan  ka lang diba?"nagtatakang sambit ko.


Ngumiti siya..

Shucks! Yung ngiting yun..

Umiling siya.." Hindi.. Remember nasa simbahan tayo kaya bawal magsinungaling.."

Hindi ko alam kung ano i-rereact ko.
Oo may point naman siya pero bakit?



"Simula nung magbigay ka sakin ng gift-- No! Actually hindi iyon ang dahilan.. Simula ng makita kita sa school .. Alam ko may iba na ako naramdaman sa'yo.. Nung una binalewala ko lang iyon pero sa tuwing nakikita kita at yung ngiti mo.. Napagtanto ko na.. That time Crush kita..."



Natigilan ako sa narinig ko.. Totoo ba ito?


"Sobrang natutuwa ako sa tuwing nakikita kita pero sobrang saya ko ng malaman ko may gusto ka sa'kin.. Masarap pala kasi sa feeling na..yung crush mo may gusto sayo.. Di ko alam kung ano gagawin ko pero sadyang nagkataon na naging torpe ako sa mga panahon iyon.."



"Alam ko nakakabakla pero wala napangunahan ako sa pagiging torpe ko.. Kaya naging kontento nalang ako sa pinapahawakan ko na may gusto ka sa'kin..pero.. Nagsisisi ako ng pinapahawakan ko iyon..."sambit niya pero bakas sa boses niya ang lungkot.


Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon