Kabanata 27: Manliligaw?

1.5K 85 9
                                    


Lizzy Pov.

"Waaaaaaa.... Nakakainissss.!!!"

Halos magwala na ako sa kama ko. Nakakainis! Ang laki na ng eyebag ko! Hu-hu.. Ayoko na!..

Muli ako humarap sa salamin at napasabunot nalang ako ng makitang malaki talaga..

"Ano ba yan? Ano gagawin ko? Buti nalang sabado ngayon.."sambit ko.

Napanguso nalang ako.

"E.. Siraulo ka pala! Talagang magkakaroon ka ng malaking eyebag e, magdamag ka umiiyak kung hindi ka din TANGA..."

Napasulyap ako sa pintuan at nakita ko ang magaling kong kapatid na mapormang nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Tinignan ko siya ng masama.

"What?"inosenteng niyang sambit. Inirapan ko siya. "Tsk. Bakit ba palagi ka nalang sumusulpot sa pintuan ng kwarto ko?"inis na sambit ko.

Bahagya siyang ngumiti." Wala lang... Alam mo ate.. Ang pangit mo!"

"Ano!"

"Ang pangit mo na nga.. Bingi ka pa. "

"Ano sabi mo!!"bulyaw ko. Dali-dali ako nagtungo sa pwesto niya upang mabigyan ng isang duper-super na suntok pero bago ko magawa yun, agad na siya nakatakbo patungong sala.

Bwisit!

"Hoy.. Siraulong kapatid. Halika nga dito.. Kailangan ka bigya---"

Naputol ang sasabihin ko ng makitang may bisita si Lola pero hindi lang ordinaryong bisita ni Lola kundi bisita ko.Shucks! Ano ginagawa niya dito?

Halos nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bigla siya napatingin sa gawi ko. Napatingin siya sa buong katawan ko kasabay ang isang nakakalokong ngiti.

Kumunot ang noo ko sa inasta niya kaya't napatingin ako sa buong katawan ko.

Okey lang naman suot ko na padjama at sando na damit maliban lang sa wala akong bra--oh  shit..

Dali-dali ko tinakpan ang dibdib ko  dahil na-realize kong wala akong bra. Kaya pala ganun nalang siya makangiti!

Tinignan ko siya ng masama.

Nararamdaman ko ang paginit ng pisngi ko pero binalewala ko lang. Nakakainis! Pumunta lang ba siya dito para asarin ako?! At ang kapal ng mukha niya pumunta dito!

Arg! Bwisit ka Dexter Pere--

"Oh.. Apo.. Gising ka na pala.. Bakit hindi mo sinasabi na may manliligaw ka na pala?"

Huh? Manliligaw? Ano pinagsasabi ni Lola? Anong man--.

Napalaki ang mata ko ng mapagtanto ko ang ibig sabihin ni Lola.. Huwag mong sabihing.. Totoo talaga ang sinabi niya kahapon?

"Apo, naging boyfriend mo bang itong gwapong binatang ito?"biglaang tanong ni Lola. Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano ba sasabihin ko tsaka...

Yung puso ko.. nagwawala na..sa hindi ko alam na dahilan..



Kinikilig ba ako?



Pakiramdam ko nawala ang sakit na nararamdam ko dahil sa nangyayari ngayon.. Kainis..

Ano bang nangyayari?

"Ano iha? Dati mo bang boyfriend toh? Bakit ang sabi niya gusto niya manligaw dahil gusto niya bumalik ka daw sakanya?"




Hindi ako nakaimik..

"Totoo ba iyon Lizzy-apo? Nagsinungaling ka ba sa'kin?"


Napailing ako sa sinambit ni Lola." Naku! Lola... Hindi po... Tsaka hindi ko po siya boyfriend.. A-ano? Uhmm.. Pano ko ba sasabihin? Kas--"

Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon