Kabanata 22: Ang totoong nararamdaman...

1.6K 106 19
                                    

Lizzy Pov.

Hindi ko alam kung ano gagawin sa mga oras na ito at paano ko papagaanin ng loob ni Lemuel.

Alam ko nasaktan siya sa nakita niya at ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ito.

Huminga ako ng malalim para makakuha ako ng lakas upang maabutan ko agad si Lemuel at sa wakas naabutan ko din siya.

Hinawakan ko ang braso niya kaya napatigil siya.

"Lemuel saan ka ba pupunta? Gusto mo umuwi---"

"AYOKO! Bakit mas pinili mong sundan ako? PWEDE BA UMALIS KA NALANG GUSTO MAPAG-ISA!!"

Sa pangalawang pagkakataon...sinigawan niya na naman ako. Halos mapanganga nalang ako at marahan siya tinignan..

Umiling ako." Hindi.. Hindi kita iiwan... Alam ko masakit pero huwag mo naman sirain ang sarili mo ng dahil sakanya.."paliwanag ko. Nakita ko ang pagtalim ng paningin niya na parang bang isa akong masamang tao.

Ang sakit!..

"Nagbibiro ka ba? SIRANG-SIRA NA ANG BUHAY KO SIMULA NG IWAN AKO NG BABAENG PINAKAMAMAHAL KO!"singhal niya sa'kin.

Halos madurog ang puso dahil sa inaasal niya sa'kin pero..hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nadudurog ang puso ko ngayon.

May isa siyang sinabi sa'kin na siya nagpapadugo ng puso ko ngayon..

"TSAKA HUWAG KA NGA MAGPANGGAP NA ALAM MO ANG NARARAMDAM KO! HINDI MO ALAM KUNG GAANO KASAKIT NA MAKITA ANG TAONG MAHAL MO NA MAY IBANG KAHALIKAN!"saglit siya tumigil bago niya ako dinuro-duro kaya napaatras ako sa kinatatayuan ko.

Napayuko ako at sa mga oras na iyon unti-unti na bumagsak ang luha ko. Napatanong nalang ako sa isip ko.

Bakit? Ano sa tingin niya na siya lang nasasaktan?

"Oh!? Bakit ka nakayuko?! Nahihiya ka ba dahil--"

"Tama na.."bulong ko. Napapakagat ako sa labi ko dahil konting-konti nalang mapapahagulhol na ko sa labis na pag-iyak.

"Ano may sina---"

"ANG SABI KO TAMA NA!"sigaw ko. Sa pagkakataon ito ay agad ako tumingin sa kanya habang may luhang tumutulo sa mata ko.

Natigilan siya ng makita niya ako.

"S-sa tingin mo ba kung wala akong concern o hindi ka mahalaga sa'kin.. Hindi ko gagawin ang lahat ng ito kahit na labag sa kalooban ko."sambit ko habang patuloy parin tumutulo ang luha ko.

"Bakit sinabi ko bang gawin mo ang lahat na ito kahit na---"

"Hindi.."putol ko sakanya. Huminga ako ng malalim dahil feeling ko mauubusan na ako ng oxygen dahil sa labis na pag-iyak ko. "Oo hindi mo sinabi pero gusto ko mapasaya ang taong mahalaga sa'kin.."

Pagkatapos ko sabihin iyon.. Hindi siya umimik kaya nagsalita ulit ako. "Please... Lemuel.. Huwag mo isipin na hindi LANG ikaw ang nasasaktan dahil sa taong mahal nila..."

Nakangiti ako sakanya habang nakatitig ako sa mata niya hanggang ngayon nagluluha parin.. Napabuntong-hininga ako tsaka ko pinahiran ang mga luha sa pisngi ko. Pilit ko pinapahinahon ang sarili ko pero.. hindi ko magawa.. Umiyak parin ako.

"--may mga tao parin pilit umaasa na mamahalin sila ng taong mahal nila kahit na nagmumukha na silang tanga at kahit nasasaktan sila dahil kung tutuusin sila ang mas nasasaktan at mas swerte ka nga dahil mahal ka din ng taong mahal mo pero pinaglalaruan lang kayo ng tadhana ."sambit ko.. Napapapikit ako ng mariin dahil nararamdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa tuwing sinasabi ko ang mga bagay na iyon.

"Katulad ko.. Pilit ako ngumingiti sa harap ng taong mahal ko kahit nasasaktan akong nakikita siya umiiyak sa ibang babae.. Pinipilit kong maging matatag kahit na may mahal na siyang iba at ginagawa ko lahat para mapasaya lang siya kahit alam kong malabo mangyari iyon pero ano magagawa ko? Mahal ko e..."

Sa pagkakataon ito naapahagulhol na ako.

"Kase... Kahit sinasabi ng utak ko na tama na.. Masasaktan ka lang pero ang puso ko pilit parin pinapaalala na ang taong nasa harapan ko ay ang lalaking pinakamamahal ko.."sambit ko.

Napaiwas siya ng tingin ng marinig niya ang sinabi ko kaya napangiti ako ng mapakla.

Sa ginagawa niya ngayon mas pinapakita niya sa'kin na hindi niya talaga ako kayang mahalin..

Maya-maya.. Pagkatapos niya hindi umimik ng ilang minuto ay nagsalita na siya..

"I'm sorry... Hindi ko alam--"

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad.."mahinahon na sambit ko. Marahan niya ako tinitigan at sa mga oras na iyon..naramdaman ko ang awa niya..

Umiling ako. "Oo kung iniisip mo sino ang tinutukoy ko.. Walang iba kundi ikaw... Mahal kita Lemuel.."sambit ko ng walang pan-aalinlangan. Sa mga oras na ito...wala na akong pakialam kung nagmumukha na akong cheap sa harapan niya dahil alam ko lang hindi ko na kayang itago pa ang lahat na nararamdaman ko.

Napansin ko ang paglapit niya sa pinaparoroonan ko pero umatras lang ulit ako kaya napatigil siya sa paglapit sa'kin.

Napaiwas ako at tumingin sa ibang direksyon. Huminga ako ng malalim at dali-dali ko pinahid ang luha ko at sinugurado ko na wala ng luha pa ang tutulo mula sa aking mata.


Tumingin ako sakanya na may ngiti na para bang walang nangyari..

" Huwag ka na mag-alala.. Sa pagkakataon ito hindi na muli ako aasa pa na mamahalin mo rin ako at titigilan na kita pero pakiusap ko lang sana sa'yo na alagaan mo ang sarili mo huwag ka umiyak ng umiyak dahil sa babaeng hindi ka pinapahalagaan.."sambit ko.

Habang nakatitig ako sakanya nakaramdam ako ng pagkirot ng ulo ko pero binalewala ko lang...

"Lemuel sana ibalik mo sa dati ang pakikitungo mo sa'kin na hindi tayo magkaibigan, hindi mo pag-pansin sa'kin at higit sa lahat na para bang wala lang ako sa mundo mo.."nakangiting sabi ko sakanya.

Natigilan siya sa sinabi ko at halos hindi niya alam ang sasabihin kaya nakuha ako ng pagkakataon na umalis at talikuran siya..

Habang unti-unti ako papaalis sa pinaroroonan niya.. Nagsi-unahan na tumulo ang luha ko.. Napapakagat nalang ako labi at hindi ko napigilan mapatakbo..

Takbo lang ako ng takbo habang sa napatigil nalang ako... Napahawak ako sa ulo ko.. Sumakit kasi bigla ang ulo ko sa hindi ko malaman na dahilan.. Hanggang sa unti-unti nanlabo ang paningin ko pero bago magdilim ang paningin ko..

May nakita ako pigura ng isang lalaki pero kahit nanlabo ang paningin ko hindi ako nagkakamali sa nakikita ko..

Alam ko kilala ko ang tao sa harapan ko..

"D-dexter?"nauutal na sambit ko bago nandilim ang paningin ko at wala na akong naalala sa sumunod na nangyari...



******

Ano masasabi nyo ? Haha.. Nagkaaminan na..

Pero sad to say eto na ang last update ko para sa vacation kaya medyo madalang na ang pag-update ko kapag pasukan na.. Tsaka kailangan ko narin mag-UD sa isa kong story kaya keep calm lang guys!


Rank #6 na tayo pero nung iaang araw #5 kaya ngayon bumaba tayo...kaya keep vote at comment lang guys!!!

Happy new year to all!! Labyah!

Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon