Kabanata 12: Library

1.9K 64 1
                                    

Lizzy Pov...

Parang zombie ako naglalakad patungo sa classroom. Paano ba naman? Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi sa'kin ng ate ni Lemuel. Tsaka, I didn't expected na makilala ko agad-agad.

Nakakainis! Naloloka na yata ako?

"What's that face for?"tanong sa'kin ni Laarni ng nakarating na ako sa upuan ako. Para saan nga ba? Aba, ewan ko! Hay nako! Mukang tatanda  ako nito ng maaga..

" May bumabagabag yata sayo. What is it?"

Napairap nalang ako ng  pumapa-english at tunatagalog si Glennie. Problema nito at may saltik yata?

Tinitigan ko lang siya. Bakit feeling ko may something sa kanya? Hmm.. Parang may iba e... Ano kaya y--

"Hi Mahal?"

Napalingon ako sa nagsalita. Sumilay agad sa labi ko ang isang nakakalokong ngiti. Tsk.. Kaya naman pala e.. May something na pala nagaganap sa dalawa!

"Ehem.. What the meaning of this?"singit naman ni Sarah. Hay buti naman nagawa na 'din magsalita si Sarah dahil pansin ko kanina pa siya tahimik pero alam ko may kakaiba 'din sa kanya.

"Uhmm. Eh.. Pinayagan na kasi ako ni Glennie my loves na manligaw kaya..."

"Ayiieeeeh...."

Napatawa ako ng asarin silang dalawa ng mga classmate namin na nandito sa classroom yung iba pa nga kakarating lang.. Tinignan ko ng masama si Glennie ng pilit ngumiti sa amin tatlo. Bakit hindi niya sinabi na  pumayag na siya na ligawan siya ni Gwyn?

"Ang unfair talaga ni Glennie.. Masyado sinasarili.."narinig kong singit ni Laarni. Napangiti nalang ako. Hindi ko sinasadya mapadako ang paningin ko kay Sarah nakatingin siya sa kaliwa habang nakangiti kaya sinundan ko iyon..

Napailing nalang ako. Pinagmamasdan niya si Jimuel  habang nakangiti sa isa't-isa.

Oww.  How so sweet. Inggit ako! 

"I think hindi lang si Glennie ang may secret satin."

"What do you mean?"tanong sa'kin ni Laarni. Kaya ngumuso ako sa direksyon ni Sarah at nahuli 'din niya ito nakatingin kay Jimuel habang nakangiti.

"Grabe sweet naman.."natatawang sambit ni Laarni habang kinikilig. Isa 'din 'to mas nauuna  pa siyang kiligin kaysa kay Sarah. 

Hay sakit sa bangs! Tsk. Wala nga pala akong bangs. Shunga ko talaga! Natigilan lamang ako ng may tumawag sa'kin..

"Lizzy..."

Yung boses na iyon.. Pamilyar sa'kin.. Kahit ilang araw siyang absent, alam na alam ko sa sarili ko na siya iyon.. Si ano.. Si-

"Hoy, Lizzy tawag ka ni Lemuel.."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. So, hindi nga ako nagkamali? Siya nga.. Ibig bang sabihin ito magaling na siya?

"Lizzy okey ka lang ba?"

"Huh?"

Napasinghap ako ng makita ko siya sa harapan ko siya kaya hindi maiwasan bumilis ang tibok ng puso ko. Gosh, huwag kang obvious Lizzy! Umayos ka!

"Okey ka lang ba talaga Lizzy?'' Tanong niya ulit sa'kin. Tinignan ko siya ng maigi. Grabe ang gwapo parin niya! Hindi ko maikakaila na namiss ko siya ng sobra.. Ngumiti ako sakanya..

"Oo naman okey lang ako.. Bakit mo pala ako tinatawag?"sambit ko. Huminga ako ng malalim para mawala ang sobra kaba na nararamdaman ko." Ah..eh.. Gusto sana kita yayain na kumain sa labas.. Treat ko."

Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon