#Afraid 2: Bestfriend

Start from the beginning
                                    

"Nagdrama pa 'tong mokong na 'to. Sapat na sa'kin 'to noh! Salamat ulit!"

"Oh sha, tara na!" Singit ni Zypher sabay dampot nung maleta ni Celine.


Discharged na si Celine mula sa ospital. May taning na ang buhay niya pero hindi niya alam. Ang alam lang niya, isang breakdown na lang ang natitira sa kanya. Hindi pa niya alam na hindi na hihigit pa sa isang taon ang...buhay niya...


Nakakalungkot...sobra...


Pero hindi namin pwedeng ipakita o iparamdam sa kanyang nalulungkot kami. Kailangan naming magmukhang masaya at okay. Kailangan naming magbigay ng positive energies and good vibes sa kanya, para...baka-sakaling...mas tumagal pa ang buhay niya.






















~~~~~~~~~~~~

Nakasakay kami sa kotse ni Zypher. Syempre nasa passenger seat ako tapos magkatabi sina Celine at Ree sa backseat. Kanina pa nga sila nagdadaldalan eh.


"Nasan nga pala si Nemsey?" Biglang tanong ni Celine na ikinatahimik namin. "Natahimik kayo diyan?"

"Ahh, ano...nasa Seriun siya." Sagot ni Ree.


Tumingin ako sa rearview mirror para panoorin sila.


"Eh? Sabado ngayon ah! Anong ginagawa niya dun?"

"Ano kasi... Inaasikaso niya yung..." Napalunok si Ree at natahimik ulit.

"Yung ano? Bakit ba di mo na lang diretsuhin yung sagot mo?" Nagtataka na si Celine.

"Kasi...nakalimutan ko. Ano nga ba yun, Xen?" Bigla nila akong nilingon!


GAGU KA, REE! PAHAMAK!


"Ha?" Nganga ko silang nilingon din.

"Anong ginagawa ni Nem sa Seriun?"

"Ano...uhmm..." Isip, Xen! Isip!


Nilingon ko saglit si Zypher pero nginisihan lang niya ako't ibinalik agad niya yung atensiyon niya sa daan.


Isa pa 'to! Bwiset!


"Ano nga? Ba't ba antagal niyong sumagot?"

"Kasi ano nga, yung sectioning niya nagkaproblema." Shew!!!

Zypher and GangstersWhere stories live. Discover now