Chapter 26 Bewilderedness

22.8K 860 246
                                    

"I was your cure and you were my disease. I was saving you but you were killing me."


Sam POV


Konting konti na lang mahihimatay na ako sa mga nangyayare. I'm inside the car... with Ashley beside me. Kasama ang mama Dani niya at sina Abegail at Alexandra Montalban na sa wakas ay kumalma na rin pagkatapos ng kasal.

Yes.

I am married to Ashley in just a blink of an eye. Yung utak ko parang nagsi-circus na. Para akong wala sa sariling nagpapatianod na lang sa agos.

Napatingin ako sa suot kong singsing na nagpapatunay na nakatali na ako sa kanya.

I closed my eyes hard trying to understand everything that's happening to me right now.

Naramdaman ko yung pagpisil ni Ashley sa kaliwang kamay ko. Napamulat ako at napatingin sa kanya, at nakita ko yung pag-aalala sa mukha niya. Ngumiti siya sa akin ng tipid.

Nag-iwas ako ng tingin at nagbaling sa labas ng bintana. Marahan ko ding binawi sa kanya yung kamay ko.

I can't help not to think about what happened a while ago...

"Alexandra, put the gun down." Mahinahon na sabi ni Abegail sa pinsan.

"No." Mariing sagot ni Alexandra na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. "Not until she admits she took the heirloom."

Yung relo pala ni Abegail ay nagmula pa sa great ancestors nila. Kaya ganun na lang ang pagpapahalaga nila sa bagay na iyon, na siya na lang palang natitirang gamit mula sa mga ninuno nila.

Hindi ko alam kung paano napunta sa kuwarto ko ang relo niya. Marahil naiwan niya iyon nung nagbihis siya at ginamit yung banyo ko dun nga sa kuwarto ko.

Pero ang lumalabas, parang itinago ko daw yun. Which is not true! Definitely not. Ni hindi ko nga alam na nandun lang pala yung relo niya eh. Kung alam ko lang eh di sana isinuli ko na agad sa kanya.

"Hindi ka ba aamin?" Galit na tanong niya.

"Tita Alex, please calm down." Sabi ni Ashley na kanina pa nasa harapan ko at itinago niya ako sa likuran niya.

"You're going to jail? Or you'll die." Pinapili niya ako. "You choose, Miss Chavez."

"Wala akong dapat aminin dahil wala kong kasalanan!" Ganti ko.

I heard the clicking of the gun. At ang sumunod nga ay ang ingay ng putok dun na itinutok niya sa ceiling. Nabutas yung kisame dun kasabay ng pagsigaw namin.

"I hate waiting." Sabi ni Alexandra na determinado talaga sa pagpapaamin sa akin.

"A-ash..." Nanginginig na ako sa takot at nerbyos.

"I can't do anything right now, Sam. I don't know how to calm her down." Bulong sa akin ni Ashley na nakamasid sa tita Alex niya.

"Alangan naman umamin ako sa kasalanang di ko ginawa." Ganting bulong ko habang nagtatago sa likod niya.

"But there's only way she will spare you..." Hinarap niya ako.

"Ano yun?" Tanong ko.

Ayoko pang mamatay o makulong. Knowing Alexandra Montalban, she will do everything and anything in her power para makulong ako.

"Be a part of our family."

Naguguluhang napatitig ako sa mukha niya.

And to cut the story short, wala na akong nagawa kundi magpatianod na lang. Nagpunta kami sa kamag-anak nilang Judge at ikinasal. Agad agad.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon