Chapter 25 Whirlwind

20.3K 814 346
                                    

"The dumbest thing ever is when you both love each other but aren't together."


Sam POV


"Sandali lang!"

Sigaw ko sa kung sino man ang nasa pintuan ko ng gabi ng Biyernes na iyon. Magte-ten na yun ng gabi.

Kung bakit gising pa ako? Well, I can't sleep because of some reasons I really don't know.

Sumilip ako sa peep hole at nasorpresa at nagtaka ako kung anong ginagawa niya sa labas ng pintuan ko.

Puzzled man ako, pinagbuksan ko pa din siya ng pintuan. Bumungad sa akin ang naka-party dress at medyo tipsy na diyosa.

"Oh!" She exclaimed as she put her hand to her mouth. Nag-perfect shaped pa yung labi niya ng napa-oh siya.

"Mrs. Abegail Montalban?" I can't believe she's here, in my door steps.

She giggles. "Ssshhhh." She placed a finger in her lips hushing me. She even giggled. Halatang medyo lasing na siya. "Quiet."

Napansin ko yung damit niya na may mantsa at mukhang natapunan ng kung ano mang inumin iyon at medyo amoy alak din.

"Sorry to disturb you, Miss -?." She can't remember my name.

Or simply she doesn't know me? Hindi ko pa kasi siya nakakasalamuha sa dalawang taon ko ng pagtuturo sa MGU. Iisang beses ko pa lang siya nakadaopang palad. Foundation day noon ng school. Pero brief lang yung pagkakasama namin.

At sa dinami-dami ng empleyado nila at guro sa school, for sure di na nila matandaan kung sino ka at kung anong pangalan mo.

"Samantha Chavez." And it's an honor to finally meet the great Abegail Montalban. And I must say, hindi exaggerated ang sinasabi nila na napakaganda niya. Underrated pa nga eh. Hindi mo ma-described kung gaano siya kaganda sa malapitan. "Isa po akong guro sa MGU." Pakilala ko.

"Really?" My accent pa yung tono niya.

Every inch of her is screaming how rich she is though simply lang naman ang suot niyang party dress. Mamahaling relo na may mumunting diamonds, earrings at yung wedding ring lang din niya ang suot niyang alahas.

Napadighay siya ng malakas saka tumawa. Napailing iling ako sa loob loob ko, nalalasing din pala ang diyosa?

"I'm sorry." Nakatawang sabi niya na nagpakita lalo sa dimples niya sa magkabilang pisngi. "Can I come in?"

"Sure, ma'am." Sabi ko saka niluwagan yung bukas ng pinto at nagbigay daan para makapasok siya.

Kung di ako nagkakamali, kasing tangkad lang niya si Ashley. Plus, nakasuot pa siya ngayon ng heels.

Animo isa siyang modelo na naglakad papasok sa loob ng bahay ko. She scanned my living room.

"Nice place you have here." Saka niya ako hinarap.

Isinara ko naman sa likod ko yung pintuan. "Thank you, ma'am."

"Oh, please." She waved her hand. "Just call me Abegail or Abby."

Napangiwi naman ako. Para namang ang bastos kapag sa first name ko lang siya tatawagin.

"I know I looked like a mess right now." Sabay dismayadong tumingin sa suot. "Aaarrgghhh!" She exclaimed.

"Saan ka po ba galing?" Takang tanong ko. And why are you here? Yun sana ang gusto ko pang itanong sa kanya. But it seems like she read what's on my mind.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon