Chapter 15 Terms

22.3K 786 91
                                    

"It's so hard to pretend to be friends with someone special, when every time you look at her all you can see is everything you want to have."


Ashley POV


"Wala na po ba kayong kailangan, Miss Ashley?"

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon na as usual, nakasuot na naman ng all black suit.

"Wala na Jacob." May tipid na ngiting sabi ko. "Thank you for this." May kinuha ako mula sa bag ko at ibinigay ko sa kanya. Isang puting sobre na naglalaman ng pera. "A reward for a job well done." Saka iyon itinulak papunta sa harapan niya.

"Thank you, Miss Ashley." Sabay bahagyang yuko ng ulo bilang paggalang bago kinuha na yung sobre at inilagay sa loob ng jacket. "Mauna na po ako." Tumayo na siya.

"Okay." Tugon ko. "This information stays between the two of us." Paalala kong muli sa kanya.

"Makakaasa po kayo, miss."

Tumango na ako at tuluyan na siyang umalis. Binuklat ko yung folder na ibinigay niya sa akin at binasa kong maigi ang mga impormasyong nandun.

Miles Huiyan.

Napaangat yung gilid ng labi ko ng mabasa yung dalawang unang salitang iyon. Yes, these informations were all about Miles... Samantha's ex girlfriend. Alam ko kasing hindi siya titigil sa pamba-blackmail kay Sam kaya kailangan kong gumawa ng paraan. I need some edge against Miles. So I called up Jacob to investigate and gather information about Miles. Everything. And when I said, everything, it includes her dirty little secrets.

I can play dirty too.

I smiled mischievously as I called for the waitress for my bill. Dito kami sa isang private and exclusive restaurant nagkita ni Jacob.

Kinuha ko mula sa bulsa ng jacket ko yung cellphone ko ng tumunog iyon. It's Samantha.

"Hey, love." Masiglang bati ko sa kanya habang palabas na ako ng restaurant bitbit sa isang kamay yung folder patungo sa may sasakyan ko.

"Where are you?" She asked in a groggy voice.

"May pinuntahan lang ako saglit." Tugon ko naman.

"You left me here all alone." May tampo sa boses niya.

Napangiti ako. Iniwan ko kasi siyang natutulog pa sa condo ko. For the first time, she slept on my bed. Kinailangan ko kasing lumabas na para i-meet si Jacob.

"I'm sorry, may importante lang akong inasikaso."

"At this early?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Yeah." Pumasok na ako sa loob ng kotse. "Babawi ako pagbalik ko promise." I started the engine.

"Di ba sabi ko sayo, gusto ko paggising ko ikaw una makikita ko?" Nagtatampo na talaga siya.

I smiled. "Sorry, love." Hingi ko ng paumanhin. Kabilinbilinan niya kasi yun sa akin kagabi. At kaya nga pumayag siyang matulog na sa condo ko. "Ganito na lang. Go back to sleep, and when you wake up, nasa tabi mo na ako."

"Ginawa mo pa akong bata niyan eh." Reklamo niya at narinig ko siyang naghikab.

"See?" Matter of fact na saad ko. "Come on, go back to sleep."

"Sige na nga." Saka naghikab ulit. "Take care, come home soon."

"I will." Nakangiti pa ring tugon ko. "I love you."

"Love you din." Tugon niya at saka na niya in end yung tawag.

Dumaan muna ako ng bulaklak bago umuwi ng condo. Paglabas ko ng elevator, nakasalubong ko si Snow.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon