Chapter 21 Love & Sacrifice

18.3K 789 145
                                    

"This was what love meant after all: sacrifice and selflessness. It did not mean hearts and flowers and a happy ending, but the knowledge that other's well-being is more important than one's own."


Ashley POV


"Ma?"

Nagtatakang tanong ko ng kinaumagahan nun pagkatapos naming mag-usap ay nandito ulit silang tatlo ng mga tita ko.

Kakagising ko lang at balak ko sanang wag munang pumasok sa school. Nagkausap kami ni Sam kagabi na hindi muna ako makakapunta sa condo niya at nagdahilan na lang ako.

"We need to talk." Sabi niya na para bang yung pag-uusapan namin is a matter of life and death.

Pumasok silang tatlo sa loob ng condo ko. Naiwan ako dun na naguguluhan.

"Ashley." Tawag pa sa akin ni mama.

Isinara ko na yung pintuan saka sila nilapitan na tatlo at naupo sa tabi ni tita Abby sa may mahabang sofa.

"What is it?" I asked. Nagpapalipat palipat yung tingin ko sa kanilang tatlo.

Naihilamos ni mama yung palad niya sa kanyang mukha. Nagkatinginan naman sina tita Abby at tita Alex. Kinakabahan ako at naguguluhan sa kanilang tatlo.

"The council already know about you and Sam." Balita ni mama.

Nanlaki yung mga mata ko sa pagkabigla at nanuyo yata yung lalamunan ko.

"H-how?" Kinakabahang tanong ko.

"They don't have evidence though." Sabi ni tita Abby.

"Pero nakarating na sa kanila ang relasyon ninyong dalawa ni Samantha." Saad ni mama.

"P-pero... di ba kahapon lang..." Ang bilis naman ng mga pangyayare.

"Sabi nga nila, may pakpak ang balita at may tenga ang lupa." Matalinhagang saad ni tita Alex.

"May meeting sila ngayon sa school at gusto nilang makausap si Samantha." Balita ni mama.

"Pero ma!" Mabilis na bulalas ko.

"Pero sinabi kong ikaw na lang ang kakausapin." Dugtong niya. "And spare Samantha."

"Pumayag ba sila?" Kinakabahan ako. Ayokong mapahamak si Sam.

"Yes." Tugon ni tita Abby.

"Kaya kami nandito para iparating sayo yun." Si tita Alex.

"It's now up to you, Ashley." May pag-aalala sa boses ni mama. "I have confidence in you, sweetheart."

Turn ko naman na maihilamos yung mga palad ko sa mukha ko. "Anong oras nila ako gusto makausap?"

"Ngayon na." Saka tumingin si mama sa suot na relo. "Ten in the morning."

So may mahigit isang oras lang ako para makapag-ayos at makapag-isip.

They briefed me on what to say and what to do. I'm willing to do everything to save Samantha. Kahit pa ang kalalabasan ay kakamuhian niya ako. Kailangan kong magsakripisyo para sa kapakanan niya. Wala akong choice.

Kinakabahan man, pilit ko iyong itinago at nagpakatatag ng humarap ako sa council. May walong members ang council except kina mama at dalawa kong tita. Nakaupo kaming lahat sa harap ng mahabang lamesa at nasa dulo ang tatlong founders at sa kabilang dulo naman ako.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon