Chapter 7 Thinking of You

23.5K 764 56
                                    

"You are the inspiration behind all that I do, and the source of all that is good in my life."

Ash POV

"I want you to focus on your studies..." Samantha says in a stern voice.

Nagagalit siya dahil mostly sa klase namin, bumagsak sa kakatapos lang na exam. To think na major subject namin itong hawak niya.

"I know some of you are varsity players of this school..." Patuloy lang siya sa paglilitanya sa harap.

Pero ako, imbes na malungkot or mainis dahil sa pagsesermon niya sa harap. No. Ang hot kasi niyang tingnan kahit pa ang pormal at seryoso ng mukha niya ngayon. Nagsasalubong din paminsan minsan yung perfectly trimmed na eyebrows niya. Nagiging mailap din yung chocolate brown niyang mga mata. Napapasimangot din yung perfectly shaped niyang labi. Nakagat ko tuloy yung dulo ng hawak kong sunglasses habang pinagmamasdan yung professor slash girlfriend ko sa harap namin ng mga kaklase ko.

"This is your major subject for Pete's sake!" Narinig kong sabi niya at napahawak pa siya sa nakapusod na mahaba niyang buhok sa sobrang inis niya. Palagi niya yung ginagawa kapag naii-stress siya.

Tahimik sa loob ng classroom at wala sa mga kaklase ko ang nangangahas na sagutin siya. Isa pa, baka di ko mapigilan yung sarili kong ipagtanggol siya kung sakali mang meron maglakas ng loob na sagot sagutin siya, lalo na sa harapan ko pa mismo. Di naman ako papayag na may mambastos sa kanya.

But I'm thankful I don't have to reach that point, cause nobody dares to answer her back.

"Those who got a score of seventy five to eighty percent, I have to give you special projects." Sabi niya. "And those who got seventy five percent and below, well, review now cause I will give you another examination tomorrow." Masungit na sabi niya. "And plus," She cut off. "Special project."

Nakayuko ang iba sa amin at ang iba naman guilty lang na nakatingin sa kanya. Habang ako naman, wala lang kunwari na nakatingin din sa kanya, sa bawat galaw niya sa harap. Hindi naman siya tumitingin sa direksyon ko, and I know why. Baka mawala siya sa focus.

Pagkatapos niyang maglitanya sa harap, isa-isa niya kaming tinawag para ibigay sa amin yung result ng exam namin nung last week.

"Ashley Gray." Tawag niya sa pangalan ko at agad akong tumayo para kunin sa harap yung sinagutan kong test paper.

Pormal ang mukha niya nung ibigay niya yun sa akin. "Keep it up."

"Thank you, ma'am." Sabay tipid na ngiti sa kanya ng kinuha ko yun saka bumalik na sa upuan ko.

Binigay na niya yung mga special assignment/project ng mga nakakuha ng seventy five to eighty percent. At bukas na nga ang exam ng mga nakakuha ng mas mababa pa sa passing grade at plus nga yung special assignment or project nila.

"Any questions?" Masungit na tanong niya as she crosses arms.

Natahimik lang ang lahat. Nagtaas ako ng kamay. May gusto lang akong linawin.

"Yes, miss Gray?" Kunot noong saad niya.

"Bakit kailangan pang bigyan ng special assignment or project yung mga nakakuha ng seventy five to eighty percent since nakapasa naman sila sa exam?" I know a lot of them wants to know why pero nag-aalinlangan lang yung mga kaklase kong magtanong kay Sam.

She smile sarcastically. "This is your major subject." Madiing sabi niya. "Hindi naman pwedeng pasang awa lang ang grades niyo sa subject na 'to." Dagdag niya. Mas lalo yata siyang nagsungit sa tanong ko. "At sa mahal ng tuition fee na binabayaran ng mga magulang niyo dito sa university, dapat lang na quality yung maibigay namin sa inyo na pagtuturo at dapat ding above satisfactory yung maibigay niyo sa kanilang grades." She has the point though.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon