Chapter 23 Ashley's Property

20.9K 788 100
                                    

"One of the hardest thing to do is letting go of what you had hoped would last a lifetime."

Sam POV

"Sam tama na yan." Awat sa akin ni Macky na nasa kaliwang side ko habang tumutungga ako nung alak.

"Masakit dito." Sabay turo sa tapat ng puso ko. "Iniwan niya ako ng walang paalam tapos kung umasta siya ngayon parang balewala lang yun sa kanya?" Sinenyasan ko yung bartender na bigyan pa ako ng alak.

"Eh di mag-usap kayo ng maayos." Suggestion niya sa akin. Medyo malakas yung usapan namin dahil sa malakas na tugtog sa bar na yun.

"Wala kaming dapat na pag-usapan pa." Dismiss ko. "Kami na ni Jill."

"Don't you think it will be unfair to Jill kung hanggang ngayon wala pa kayong closure ni Ashley?"

Natigilan ako sa tanong niya. Closure.

Shit!!!

Ang sakit pa din. Bakit ganun? Di ba dapat wala na dahil sinaktan niya ako ng lubusan at kinamumuhian ko na siya?

Pero naman, madikit lang yung katawan niya sa akin nakakalimutan ko na lahat ng ginawa niyang kasalanan sa akin.

"Damn you, Ashley Gray!" Malakas na sigaw ko.

"Sam..." Awat sa akin ni Macky.

"Gustong gusto ko siyang saktan din. Gusto kong ipadama sa kanya yung sakit na naramdaman ko ng iniwan niya ako." Isa-isang nagsilaglagan yung butil ng luha ko.

"Tama na yan." Hinahagod hagod ni Macky yung likod ko. "Lika na uwi na tayo."

Muli kong tinungga yung inumin na nasa shot glass. "I hate her, Macks."

"Sam?" Hindi ko siya pinansin at nag-order pa ako ng isa pang shot. "Samantha?"

"What?" Halos paangil ko ng tugon sa kanya.

Nang lingonin ko si Macky, hindi pala siya sa akin nakatingin. Nang magbaling ako sa direksyon na tinitingnan niya, huli na. Nakalapit na siya sa akin.

"What are you doing here?" Mabilis na angil ko sa babaeng nasa kanan ko na ngayon. "Are you following me?"

"Stop that." Inagaw niya sa akin yung shot glass na may lamang alak.

"Ibalik mo sa akin yan!" Matalim kong tinitigan si Ashley.

"We're going home." Sabi niya sabay abot sa card niya dun sa bartender.

"I'm not going anywhere with you!" Asik ko at pilit inaagaw yung inumin sa kanya. "Give me that!"

"No." Sagot niya. Pilit ko na naman yun inagaw pero muli niyang inilayo.

"Ashley!" Galit na sambit ko.

Tinungga niya yung laman saka nakaangat ang labing tumingin sa akin pagkatapos.

"Gone." She said.

"Damn you!" Sigaw ko sa mukha niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko, ramdam ko yung pag-ikot ng paningin ko.

"Hey!"

"Sam!"

Sabay pang bigkas nila Ashley at Macky, pero nagtuloy tuloy pa din ako sa gitna ng dance floor. Medyo tipsy na ako. Ngayon ko nararamdaman yung tama ng ininom kong alak.

Kinuha ni Ash yung credit card niya at sinabi kay Macky na siya na ang bahala sa akin.

"Ako na ang bahala sa kanya." Narinig kong sabi niya sa kaibigan ko.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon