Chapter 24 See Me Not

20.3K 829 136
                                    

"It's amazing how can someone break your heart and you can still love them with all the little pieces."



Ashley POV


"Samantha?" Tawag ko sa kanya.

Kagagaling ko lang sa banyo at kakatapos lang maligo. Naka-bathrobe pa nga akong lumabas eh. Naabutan ko siyang madramang nakasandal sa likod ng pintuan niya dito sa kanyang kuwarto.

Lasing na lasing kasi siya kagabi kaya hindi ko iniwan. Sa couch ako sa living room nga niya ako natulog kagabi. I don't want to take advantage her state last night. She's not herself.

Namilog ang mga mata niya ng makita ako. Parang nun lang niya ako nakita.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong niya sa mataas na tono. Mabilis na tinakpan niya yung bibig at agad na lumapit sa akin. "Bakit ka nandito?" Tanong niya sa mahinang boses.

"Kagabi pa ako nandito." Nawewerduhan ako sa ikinikilos niya na para bang nagtatago siya.

"Ba't di ka pa umalis kagabi?!" Nanggigigil na sabi niya.

"I can't just leave you like that." Tugon ko.

Ngumisi siya na may pang-iinsulto. "Really, Ashley?" Tuya niya.

"Sam?"

Kahit di ko pa nakikita kung sino man yung tumatawag sa pangalan niya, kilala ko na kung sino yun.

"Samantha?" Tawag niya ulit habang papalapit.

"Shit." Mahinang mura ni Samantha.

Dinig na namin ang mga yabag ni Jill paakyat papunta dito sa kuwarto ni Sam. Natataranta naman yung isa at di malaman ang gagawin. Ako naman napa-cross arm lang at napaangat ang gilid ng labi.

"Don't look at me like that." Hinablot niya ako sa braso at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang banyo papuntang shower room hila hila ako. "This is all your fault!" Gigil na sabi niya at dinuro pa ako.

"Samantha, are you in there?" Tanong ni Jill na kumatok pa sa pintuan ng banyo. Kahit may glass partition yung shower room, dinig pa din naman yung boses sa labas.

"Y-yeah!" Nagdadalawang isip na sagot niya. "Naliligo na ako." Dagdag pa ni Sam na tiningnan ako ng masama.

Binuksan pa niya kunwari yung shower pero di naman tumapat dun. Nakangising sumandal ako sa glass wall at nag cross arm muli saka siya tiningnan ng makahulugan.

"Hon?"

Napataas ang kilay ko sa endearment ni Jill sa kanya. Inirapan naman ako ni Samantha.

"About last night..." Hesitant na sabi ni Jill.

"Maybe, it's time for me to reveal myself." Bulong ko kay Samantha.

"Don't you dare!" She cornered me like a lioness.

But instead of backing out, I dared to open my mouth but she shut me up with a kiss. She sealed my mouth using her soft lips.

"I'm so sorry." Patuloy lang si Jill sa labas sa pagsasalita habang ine-enjoy ko yung mga labi ni Samantha. "I shouldn't have pressured you."

I changed our position. I pinned her against the wall and smashed my lips onto hers. Hindi man lang siya gumalaw para iwasan ang mga labi kong sumasalakay sa mga labi niya, bagkus, sumasabay siya sa paggalaw ng mga iyon sa sensual na paraan.

Hindi ko na naiintindihan pa yung mga sinasabi ni Jill sa labas ng banyo. Samantha's still my girlfriend, and I have every right to kiss the woman I've been in love with since day one.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon