Chapter 14 The Broken Vow

21.4K 783 40
                                    

"I don't care about anyone else. I just wanna be good enough for you."


Sam POV


The next morning, after that night, I woke up with a sigh. I know I'm gonna face the day with sadness and I don't know how to deal with it. But I get out of bed with a determination to mend things between Ashley and I.

Hindi naging maganda yung pagtatapos ng gabi namin. Pero sana naman maintindihan niya yung desisyon ko. Gusto kong magpakasal sa kanya, pero hindi muna ngayon. I don't want to rush things lalo na't ganito ang sitwasyon naming dalawa. We're together in secret, we're in love in secret. Tapos ngayon, magpapakasal kami at magiging mag-asawa, in secret?

I know, I hurt her last night. Kaya ngayon gusto ko siyang kausapin ng masinsinan, pero di ko alam kung papaano. Di naman kami pwede mag-usap sa school. I don't think na pupunta siya ngayon dito dahil nga nasaktan ko siya. She's mad at me, and that's clear to me. Napagtaasan niya ako ng boses kagabi, at yun ang unang beses na nagawa niya yun sa akin.

Matamlay akong pumasok sa school. Pero mukhang galit talaga siya sa akin dahil di man lang niya ako pinapansin o tinitingnan man lang habang nasa harapan ako at nagdi-discuss. Mabilis din siyang lumalabas ng classroom pagkatapos ng klase namin.

Dalawang araw na ang matuling lumipas simula nung gabing iyon, pero ganun pa din si Ash. Di pa rin niya ako pinapansin. She's not returning my call and even my text messages.

"Anong iniiyakan mo diyan?" Tanong sa akin ni Macky isang hapong tumawag siya sa akin.

Napasinghot ulit ako saka pinunasan yung luhang naglandas sa pisngi ko. "W-wala naalala ko lang yung Broken Vows na napanood ko."

"Ha?" Naguguluhang tanong niya. "Yung totoo, kailan ka pa naging madrama?"

Huminga ako ng malalim. Ang lungkot lungkot ko ngayon habang nakaupo sa sofa kausap si Macky.

"Hindi pa ba kayo ayos ni Ashley?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa. Ayaw niya akong kausapin." Tugon ko sa matamlay na boses.

Narinig ko yung pagbuntong hininga niya. "Ba't di mo na lang siya puntahan sa condo niya? Take the risk, Samantha. If you really love her, maybe you can fix things and come to terms. Marrying Ashley isn't a bad idea after all."

"I just don't want to rush things between us, Macky." Naiiyak na naman ako. "Alam mo naman kung gaano kahirap yung sitwasyon naming dalawa ni Ashley."

"I know, nandun na ako." Saad niya. "At siguro naman, naisip na yun ni Ashley."

"Hindi ko alam, Macky. Di ko na alam ang gagawin ko." I told her.

Napasandal ako sa sofa at nahilot yung sentido ko. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko, kung anong magiging desisyon ko.

"As a start, puntahan mo siya sa condo niya. Talk to her." Nakakaunawang sabi ni Macky sa kabilang linya.

Bahala na nga.

"Okay. Magpapalit lang ako ng damit pupuntahan ko siya."

Pagkababa ko nung tawag, umakyat na ako sa taas para makapagbihis. Maliwanag pa naman sa labas ng bumaba ako ng building. Sa totoo lang, di ko alam kung sa coffee shop or sa condo niya ako didiretso.

Bahala na nga.

Nagmaneho na ako papunta sa coffee shop. Unsure kung sinuman ang maabutan ko dun. Pagdating ko naman sa may parking lot ng shop nila Ash, wala naman dun yung kotse niya. Pero bumaba pa din ako ng sasakyan at pumasok sa loob.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon