Chapter 20 Lost in Love

17.3K 733 129
                                    

"Love leaves a memory that no one can steal, but sometimes it leaves a heartache that no one can heal."


Sam POV


"I'm on my way." Sabi sa akin ni Jill bago niya ibinaba yung tawag.

Ihahatid kasi niya ako sa school first day ng summer classes. Mag e-end na din after ng klase na 'to ang contract ko with MGU. Pinag-iisipan ko pa kung pipirma pa ba ako ng another contract or hindi na. Pinag-iisipan ko din na pwede rin namang i-try ko magturo sa ibang school. Isa pa, wala pa naman akong sulat mula sa management kung may intention pa ba silang alukin ako ng another contract o hayaan na lang mag-expire yung pinirmahan kong kontrata.

"Let's go?" Tanong sa akin ni Jill ng makita akong palabas na ng building ng condo unit ko.

Nakangiting tumango ako sa kanya. Bahagya muna niya akong ginawaran ng halik sa pisngi bago pinagbuksan ng pinto.

"Di ba sabi mo mag-e end na yung kontrata mo with the University next month?" Panimula niya ng nasa biyahe na kami papuntang school.

"Yes." Tugon ko.

Pinagmasdan ko siya habang nagmamaneho. Bagay sa kanya yung bagong gupit niya. Nagpaigsi kasi siya ng buhok, minsan daw kasi nakakasagabal sa pagtatrabaho niya yung lagpas balikat niyang buhok dati kaya nagdesisyon siyang pagupit.

She's wearing a white polo and paired it with a navy blue coat. Naka-black pants din siya at naka-boots. Astig nga yung dating niya casual with a little bit touch of street style.

"Why?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya habang nakatuon ang pansin sa kalsada. "Why don't you consider teaching in another university?" She suggested. "Para maiba naman."

May pakiramdam akong hindi lang yun isang mere suggestion. Alam kong ayaw na niyang may connection pa ako sa past ko... with Ashley.

"Look Sam." Parang nabasa niya kung anong nasa isipan ko. "Ayoko lang na masaktan ka pa nila ulit."

I gave her a warm smile. "I know." Malambing na tugon ko. "And don't worry, pinag-iisipan ko na din yan."

Dun lang siya sumulyap sa akin at ginawaran din ako ng matamis na ngiti.

Pagdating namin sa school, bumaba ulit siya para pagbuksan ako ng pinto.

"I'll pick you up later." Sabi niya sa akin ng makababa na ako ng sasakyan at naisara na niya yung pinto ng kotse.

"Okay." Nakangiting tugon ko sa kanya.

"And maybe we can have a date later tonight?" Pasaring niya.

I laughed softly. "Sure."

Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. Magkasing height lang yata sila ni Ash.

Stop it, Samantha. Get over it!

"Take care. Drive safely." Paalala ko sa kanya bago siya sumakay ulit sa kanyang kotse.

"I love you." Pahabol niya ng makasakay na siya.

Muli na naman akong napangiti sa kanya. "I love you too."

Kita ko yung saya sa mukha niya bago umalis at nagtungo sa kanyang studio. Naglakad na ako papuntang faculty room. Panay naman ang bati sa akin ng ilang estudyanteng nag enroll sa summer class.

"Alam mo bang may bago daw tayong coach?" Narinig kong pinag-uusapan ng mga estudyante sa may hallway.

Mas lalo pa akong napakunot noo ng excited pa yung isa dahil sa nalaman.

Montalban Cousins: New Generation Series - AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon