1

235 3 0
                                    

"Gusto kita." Nahihiyang sambit ko habang inaabot ang maliit na box na may lamang surpresa para sa kanya..

Tiningnan niya ito ng maigi, tumalbog ang puso ko ng kuhanin niya ito at buksan.

Napakunot ang noo niya kaya bigla akong kinabahan, ayaw niya ba nung regalo ko? Maya-maya pa'y tumingin siya sa akin ngumiti ako ng malapad.

"Salamat dito, pero hindi kita gusto." Sinarado nito ang box at tumalikod na.

"Ouch." Napa-ouch ako ng mahina, hindi dahil nasaktan ako physically kundi emotionally.

****

"ALEXA BUMANGON KA NA NGA!" Umungot ako dahil sa sobra pa akong inaantok at ayaw ko pang gumising.

"Umma 5 minutes pa, jebaaal!" Naramdaman ko na ang pagpasok ni umma sa kwarto ko kaya dahan-dahan na akong umupo sa kama.

"Anong 5 minutes pa?! Ngayon ang araw ng shooting mo kaya kailangang maaga kang mag-ayos para rin hindi ka ma-late!" Haays, suportadong suportado talaga ni mom ang pag-momodel ko. Tumango na lang ako at sinenyasan siyang lumabas na.

Nagpunta ako sa banyo at tiningnan ang sarili ko sa banyo...

FLASHBACK 

"ALEXAA umuwi na tayo please? Huhu, ang sakit sakit na talaga ng paa ko eh."

"Tumigil ka nga joan, saglit na lang to! Wag kang maingay diyan." Mas pinag-igihan ko ang pagtitig at pagobserba kay Harry at sa girlfriend niya.

"Alex naman eh, wala kang mapapala dito, hindi ka nga niya gusto diba? Since kindergarten tayo eh tinataboy ka na niya, 1st year high school na tayo mag move-on ka naman na." Tiningnan ko ng masama si Joan.

"Suportahan mo na lang kaya ako? Tingnan mo oh," hinawakan ko ang ulo niya at pinatingin siya kay Harry at Lovi na kasalukuyang naghaharutan. "Mukha naman kasing hindi masaya si Harry kay Lovi no! Malay mo may pag-asa pa ako!"

"Haaay kinakain ka na ng sistema. Bahala ka nga!"

PRESENT

"Etong mukhang to? Ang hindi magustu-gustuhan ni Harry? Haay, nako Alexa tigilan mo na nga yag pag-iisip mo sa Harry na yun, mag move-on ka na!"

"TAMA! Hindi ko na siya gusto. Ilang taon na ba nung huli ko siyang nakita? 2? Tsk, di ko na siya gusto no! Makita ko man siya ngayon eh wala na talaga akong nararamdaman!"

"ALEXA BILISAN MO!"

"Neh umma (Yes ma)"

Kung naguguluhan kayo kung bakit ako nag k-korean words, lilinawin ko lang na wala kaming lahing korean, hilig ko lang talaga ang kdrama at kpop kaya ako nag kokorean words.

Ako nga pala si Alexa Evans, 19 years old, 3rd year college sa course na accountancy. May kaya ang pamilya ko dahil may small business si umma at appa na pharmacy at ako naman ay model rin ng company c

***
"Ayan, ang ganda ng suot mo, oh wag masyadong makapal ang make-up ha, mas maganda simple."

"Oo naman umma, never naman akong nagmakapal na make-up no." Kasalukuyan akong nag me-make-up ngayon habang kumakain, galing  ko diba?

"Oh, 9:30 na 10 ang call time niyo diba? Umalis ka na!" Napa-pout ako at kinuha na ang bag ko.

"Anyeong umma, appa. Alis na po ako!" Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at lumabas na ng bahay.

***
"Anyeonghaseyooo!" Bati ko sa mga kasamahan ko sa pag-m-model.

"Naku andito na naman ang koreana." Natatawang sabi ni director cha, korean siya but dito siya lumaki sa pinas. Natawa na rin ang iba ko pang kapwa models.

"Uy Alexa, nabalitaan mo bang may bagong model na lalaki?" Tanong sakin ni Lianne, umiling naman ako.

"Sino daw? Bihira silang magpasok nang di pa nakakapag-audition ha?"

"Yun nga rin ang pinagtataka namin eh, pero mukha daw kasing galing sa kabilang company eh. Tsaka magaling at patok daw yun eh."

"Ah okay."

"OKAY OKAY MODELS! MAKINIG KAYO, YOU HAVE A NEW MEMBER!" Nagpalakpakan naman kami. "Mr. Simouns come in."

Muntik ko nang malaglag ang frappe na hawak ko.

"T-tama ba tong nakikita ko?" Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, wala akong ibang nakikita kundi siya, wala akong marinig. Para bang nag s-slow mo ang lahat.

"ALEXA! ALEXA! ALEXAAAAAAAAAA!" Hanggang sa unti-unting kulay itim na lang ang nakikita ko.....

OO NGA PALA, HINDI TAYOWhere stories live. Discover now