HMW Chapter 64: Last

115K 1.3K 26
                                    

HMW Chapter 64: Last

Nathalie's POV

Hindi ko alam kung maiinis o maiinis ako sa lalaking 'to. This will be his last day to be with me as his wife pero tatlong oras na ang nakalipas pero wala man lang siyang ginagawang epsesyal ni wala din siyang sinabi na may pupuntahan kami.

Pinatay ko na yung TV at saka ko ibinaling ang tingin ko sa kanya na nasa counter ng kusina. Busy siya sa laptop niya kaya di niya alam na nakatingin ako sa kanya.

"Stop staring at me like that, Baby. Baka matunaw ako." Napakunot ang noo ko at saka siya binato ng remote pero ang langya nakailag lang.

Finally! tiningnan niya rin ako, masama nga lang ang tingin niya sakin.

"Binukulan mo na nga ako kanina, Bubukulan mo pa ako ulit. Tss. Mabuti sana kung ibang bukol yung binibigay mo." Pabulong na halos yung mga huling salita niya pero narinig ko pa rin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung di pa kita binato, di mo pa ako titingnan.Tss. Kala ko ba babawi ka? I thought you'll be my husband for the last time?Kung wala ka namang plano pangatawanan yung sinabi mo then just say it, para di nako umasa at nang makaalis nako." I glared at him when I saw him smile. Kala niya ba nagbibiro ako?

Padabog akong tumayo at nagmartsa papuntang silid namin at saka kinuha yung cellphone at wallet ko. Buti na lang at nasa akin pa rin ang mga gamit ko at hindi yun naiwan sa bar.

Christian's POV

Napakamot na lang ako sa ulo ko nang naiinis siyang umakyat sa taas.

"Is there any problem, Mr.Lee? I heard someone is shouting?" ngumiti ako kay Mr.Valderama na kameeting ko.

"So what do you think about my proposal Mr.Lee?" Sasagot na sana ako kay Mr. Valderama nang bumaba si Nath, she's wearing a jeans and a shirt na pinahanda ko talaga para sa kanya.

"D*mn!" Di ko mapigilan ang magmura nang makitang dala niya yung gamit niya.

"Are you cussing, Mr. Lee!?" Tila nag-iba na ang tono ng pananalita ni Mr. Valderama.

"No, No sir, I mean Yes, No, Sorry sir, I-I need to go"

"I can't believe you're like this Mr.Lee. I thought you're professional, Nagkamali yata kami sa pagpili sa kompanya niyo, Good ---" Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita at saka isinirado yung laptop ko.

I run after her. D*mn sana di pa siya nakakalayo.

Agad naman niya akong sinamaan ng tingin nang isarado ko yung pinto ng taxi na sinakyan niya at saka pinaalis ito.

"Now what!?" Inis na tanong niya.

"Konti na lang,baby. Iisipin ko na talagang ayaw mong makipag-divorce
sa'kin." Mas lalong kumunot ang noo niya and I really find it cute.

"And how can you say that!?"

"I told you, I have my condition. No condition, No divorce." I grinned at her. Actually, wala talaga akong plano, kundi ang makasama siya buong araw but my secretary insisted that meeting kaya wala akong nagawa, I didn't know that meeting will last for 3 d*mn hours.

"You're insane!?"

"Of course, Babe. I am insanely inlove with you" I winked.

"Stop saying that, if you don't mean it. C'mon Vernon, We're just wasting our time here, Kung wala ka din namang plano na sulitin yung isang araw then just f*ck*ng let me go!?" aalis na sana ulit siya nang yakapin ko siya mula sa likod.

His Martyr Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now